[OPINION] May kalayaan ba sa dulo ng bahaghari?

Ngayong nalalapit na ang Araw ng Kalayaan, inaalala natin ang pagtamasa ng kalayaan para sa lahat. Kung ito’y para sa lahat, meron nga ba ang LGBTQIA+ Community?

Ang buwan ng Hunyo ay may pinanghahawakang importansya sa pagiging malaya natin bilang mga Pilipino. Ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan ng inang bansa sa tuwing ika-12 ng Hunyo sa pag-alala sa mahabang pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Dahil sa ating pagtatagumpay ay nawari nating matamasa ang kalayaan noong araw na ito.

Mayroon ding isa pang uri ng kalayaang ipinagdiriwang tuwing Hunyo, ang Pride Month. Ito ay  pag-alaala sa makulay na kultura at pagpapahalaga sa mga miyembro ng LGBTQIA+ Community. Maliban pa rito, binibigyang pugay ang kanilang komunidad sa kanilang malaking kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Binibigyang pansin din ang kanilang paglaban para sa kanilang karapatan at laban sa pang-uusig sa kanila, tulad ng diskriminasyon, gender inequality, pagtapak sa kanilang karapatang pantao, at marami pang ibang mga isyu base sa kanilang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics.

Malaya man kung maituturing ang ating bansa sapagkat tayong lahat ay namumuhay sa ilalim ng demokratikong pamamahala, ngunit mayroon pa ring mga pagkukulang na ating dapat bigyang pansin. Maliban sa demokrasyang kaugnay ng halalan, madalas kong maisip kung may kalayaan ba talaga para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ Community. Sa iyong palagay, kung may kalayaang natatamasa ang naturang komunidad, bakit marami pa rin ang patuloy na inuusig at natatakot kumawala sa kanilang sari-sariling hawla?

Ang komunidad ng LGBTQIA+ ay malawak, malaki, at makulay. Sa pagiging diverse nito— mula sa iba’t ibang mga kasarian, edad, at pinagmulan ng mga miyembro, maituturing talaga na unibersal at para sa lahat ang komunidad na ito. Ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Community ay may iisang hangarin— ang matanggap, kilalanin, at mahalin sila para sa kung sino sila at mabigyan din ng halaga ang kanilang pagkakakilanlan, lalo na ang kanilang mga karapatan, tulad ng mga indibidwal na kinikilala ang kanilang sarili bilang heterosexual (kung saan umaayon ang kanilang kasarian base sa kanilang biyolohikal na sekswalidad at sila’y nagmamahal o may atraksyon sa kabaligtad na sekswalidad). Sa ating bansa, bagama’t bukas na ito sa pagtanggap sa mga miyembro ng komunidad dahil sa mga batas na naglalayong labanan ang diskriminasyon sa komunidad at isulong ang ekwalidad sa lahat, ang mamamayan naman nito ay ‘di pa buong pusong bukas ang mga braso upang yakapin ang mga taong nasa ilalim ng bahaghari bunsod ng iba’t ibang paniniwala at pananaw sa kanila, na nagreresulta ng di pagkakapantay-pantay. 

Marami pa ring diskriminasyong natatanggap ang mga indibidwal na parte ng komunidad dulot ng iba’t ibang salik tulad ng paniniwala at relihiyon. Sa ating bansa, marami pa rin ang ‘di tinatanggap ang mga miyembro ng komunidad dala ng paniniwalang pangrelihiyon, tulad ng: (1) ang mga miyembro (raw) ng komunidad ay nasa isang phase lamang, (2) ayon (daw) sa bibliya, ang babae ay para sa lalaki, at ang lalaki ay para sa babae lamang, (3) isang kasalanan ang pagiging miyembro ng komunidad dahil tanging lalaki at babae lamang ang nilikha niya, at (4) ‘di katanggap-tanggap ang pagmamahalan sa parehong kasarian dahil ‘di ito tunay na pagmamahalan at sinisira lamang (daw) nito ang konsepto ng pag-ibig at pamilya.

Ang mga halimbawang ito ay sadyang nakakasuklam para sa mga miyembro ng LGBTQIA+, binabalewala ng mga ito ang kanilang mga karanasan at ang kanilang paglaban para sa kanilang kalayaan. Ang pagkilala bilang miyembro ng naturang komunidad ay hindi isang phase lamang. Ang tao ay hindi isang bakal na kapag binalu-baluktot ay babalik sa dati nitong diretsong anyo kapag nilublob sa mainit na tubig, at lalo’t higit na hindi ito isang madilim na parte ng kanilang buhay. Ang pag-yakap sa kanilang tunay na pagkakakilanlan ay hindi madaling landas upang tahakin, kaya’t dapat maging bukas at sumuporta tayo sa kanila. Isa pa, hindi tumututol ang bibliya, o Siya, sa homosekswalidad. Hindi rin ito isang kasalanan, at sa katotohanan, ang tinututulan ay ang sekswal na karahasan at ang paniniwala sa male honor, o paniniwala na ang karahasan minsan ay tama, naayon at kinakailangan. Isa pang tinututulan nito ay ang sexual exploitation sa mga batang lalaki ng mga nakatatandang lalaki, o pederastyidolatry o matinding pag-iidolo sa isang tao o bagay,  at matinding sekswal na pagnanasa na dala ng “pag-konsumo” at hindi pag-ibig at pag-serbisyo. 

Hindi rin nakakasisira sa konsepto ng pag-ibig at pamilya ang homosexuality at pagiging miyembro ng LGBTQIA+ sapagkat kung sinisira ng same-sex o LGBTQIA+ couple ang naturang konsepto, sa halimbawa sa pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy at pag-aampon, kung gayon ang pagiging single-parent at biyudo/biyuda na kahit may anak, ay sinisira din ang mga konsepto sapagkat mag-isa lamang silang nagpapalaki ng kanilang mga anak at wala silang partner. Ang pagkakaroon ng pamilya ay dapat naayon sa kakayahan na magbuhay ng anak at pamilya, magpanatili nito, at magpatatag ng relasyon. Maliban pa rito, ang konsepto ng pamilya ay naayon sa kakayahan na maipagkaloob ang karapatan at magawa ang tungkulin ng bawat isa sa kanilang sarili at sa iba, may anak man o wala.

Dahil sa mga paniniwalang ito, at marami pang iba, namuo at namayani nito ang isipan ng tao, lalo na ng mga relihiyoso, na naniniwalang isang kasalanan at maling gawain o bagay ang pagiging miyembro ng LGBTQIA+ Community at lalo na ang pagmamahal ng kasapi neto at/o sa parehong kasarian. Dala rin ng kaisipang ito ang diskriminadong pananaw at pakikitungo sa mga miyembro ng komunidad. Hate speechviolence and crime, homophobia, biphobia, transpobhia, stigma, microaggressions, inequality, exclusion, at marginalization. Ilan lamang yan sa maraming paraan ng pang-aapi at diskriminasyong nararanasan ng karamihan sa mga miyembro ng komunidad. 

Masasabing sa mga nararanasang ito ng komunidad, tunay na hindi pa katanggap-tanggap sa nakararami ang mga kasapi nito. Ngunit, ayon sa Pew Research survey noong 2020, 73% ng tao sa bansa ang pumapanig sa pagyakap sa homosekswalidad mula pa noong 2013 hanggang 2019. Ang saliksik na ito ay maaaring taliwas sa totoong antas ng katanggapan ng komunidad at hindi nito totoong repleksyon sa bansa, patunay dito ay ang patuloy na pang-uusig sa kanila. Maliban pa doon, maraming di bukas ang kamalayan sa komunidad at nananatiling bukas ang isipin, dahilan upang makaranas ng diskriminasyon at pang-aapi ang komunidad. 

Ang pagsusulong at pagaapruba ng karapatan ng LGBTQIA+ Communitycivil rights para sa mga same-sex couples, at panukalang para sa ekwalidad na walang pinipiling kasarian ay malalaking stepping stones para sa komunidad. Nangangahulugan ito na may pagpapahalaga para sa miyembro at sa mga laban nila upang kanilang matamasa ang kanilang mga karapatan at ang pagkakapantay-pantay nating mga indibidwal bilang mga miyembro ng iisang lipunan. 

Ang Anti-Discrimination Bill o ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill  ay inumpisahan ni Former Senator Miriam Defensor-Santiago at Former Akbayan party-list Representative Etta Rosales. Ito ay isang panukala na iminungkahi sa kongreso noong 2000 na naglalayong tapusin ang gender-based violence sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga gagawa nito. Sa kasalukuyan, hawak ito ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman, na kauna-unahang transwoman sa kongreso, at Akbayan Partylist Representative Tom Villarin, na nagsusulong ng karapatang pantao, sa kongreso, at Senator-elect Risa Hontiveros naman sa senado, na tagapagtaguyod ng gender equality, women empowerment, at human rights.

Ito ang panukala na tinuturing na pinakamatagal nang nakalatag sa senado at may pinakamahaba pang-patutunguhan bago maaprobahan. Ang kasalukuyang bersyon nito ay naglalayon ding bigyang-linaw at labanan ang inequality sa lahat ng kasarian, miyembro man ng LGBTQIA+ Community o hindi. Ang pagkakait ng pag-aapruba sa naturang panukala ay isang malaking patunay ng tahasang pagkakait ng karapatan at sekswalidad sa lahat, lalo’t higit na sa LGBTQIA+ Community. Ang pagsasantabi sa panukalang ito ay parang pagsasantabi na rin sa kapakanan, kaligtasan, at mismong mga miyembro ng komunidad. 

Ngunit hangga’t may laban at patuloy na lumalaban, ang komunidad ay may lakas at pwersa na ‘di matatawaran. ‘Di nito maalis ang oportunidad at tsansa ng pagbabago at tagumpay para sa komunidad. Tayo bilang mamamayan, miyembro man ng LGBTQIA+ Community o hindi, ay may parte rin sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay para sa lahat. Tayong lahat ay may kalayaan, na natamasa natin sa pakikipagsapalaran ng ating kapwa sa mapang-api at mapang-abusong sistema. Ang simpleng pagpapahalaga sa buhay ng miyembro ng komunidad, hindi pambababa at pangmamaliit sa kanila, at pagyakap sa kanilang pagkatao ay simpleng paraan ng pagpaparamdam sa kanila na may lugar sila sa mundong ating ginagalawan, na kabilang sila sa atin at ‘di sila naiiba. Patunay din ito na nilalaban din natin sila upang matamasa ang kalayaang para sa kanila. Totoong mahaba pa ang maaaring lakbayin ng laban ng komunidad na LGBTQIA+, pero maaari din natin itong mapaiksi at mapabilis kung magtutulungan tayong isulong ang panukala na para sa kanila, at kung susuportahan natin sila.

Ang LGBTQIA+ Community ay komunidad ng makukulay na tao. Hindi sila naiiba sa atin. Ang pagmamahal, dapat, ay radikal at unibersal–para sa lahat. Kung paano mo mahalin ang isang lalaki o babae, dapat ganoon din sa miyembro ng komunidad. Respeto at pagmamahal ang pamunuin, hindi pagsusuklam. Sa tingin mo ba, may kalayaan ang komunidad ng LGBTQIA+ kung may pagpapahalaga tayo sa kanila? 


Football news:

<!DOCTYPE html>
Kane on Tuchel: A wonderful man, full of ideas. Thomas in person says what he thinks
Zarema about Kuziaev's 350,000 euros a year in Le Havre: Translate it into rubles - it's not that little. It is commendable that he left
Aleksandr Mostovoy on Wendel: Two months of walking around in the middle of nowhere and then coming back and dragging the team - that's top level
Sheffield United have bought Euro U21 champion Archer from Aston Villa for £18.5million
Alexander Medvedev on SKA: Without Gazprom, there would be no Zenit titles. There is a winning wave in the city. The next victory in the Gagarin Cup will be in the spring
Smolnikov ended his career at the age of 35. He became the Russian champion three times with Zenit

3:06 Requirements for Bangladesh Visa Application based on Purpose of Visit
3:04 Lenovo IdeaPad Gaming 3 (2021) Full Specs, Review, Price In Philippines
2:58 Lolit Solis Clarifies Rumors That She Is “Nakaratay”
2:39 Man Caught on Camera Urinating on Popular Beer Ingredient in China
2:29 Samsung Galaxy Tab A7 Lite Full Specs, Features, Price In Philippines
2:18 Manulife Life Insurance — Full List of Policy Offers & their Benefits, Coverage
2:04 Apple iPad mini (2021) Full Specs, Features, Price In Philippines
1:47 Jovelyn Galleno’s Sister Now Earning Over Million Pesos a Month
1:44 Kathryn Bernardo Message For Francesca Rait Elicits Comments
1:40 Social Security System (SSS) Loans — Full List of Offers Members May Apply For
1:39 Xiaomi Pad 5 Pro 12.4 Full Specs, Features, Price In Philippines
1:20 Oukitel WP23 Pro Price In Philippines
1:20 PBBM Gives P22-M Cash Incentives to Asian Games Medalists
1:20 AboitizPower marks World Sustainability Day with a call for action
1:17 Oppo Reno9 A 5G Price In Philippines
1:12 Teracube Thrive Full Specifications, Features, Price In Philippines
1:03 Requirements for Austria Visa Application Based on Purpose of Visit
0:57 Peru’s Luciana Fuster is Miss Grand International 2023
0:55 Pound to Peso Exchange Rate Today, Thursday, October 26, 2023
0:55 Euro to Peso Exchange Rate Today, Thursday, October 26, 2023
0:47 PAGASA Releases Latest Weather Update for Thursday (October 26, 2023)
0:43 John Lloyd Cruz Talks About His “Relationship” w/ Bea Alonzo
0:39 USD to PHP Exchange Rate Today, Thursday, October 26, 2023
0:37 Israel bombards Gaza, prepares invasion as Biden urges path to 2 states
23:15 Too excited to publish new MMDA number coding scheme hours?
23:00 FACT CHECK: China calls for end to Israel-Hamas conflict
17:24 Vice Ganda PAL Issue – Comedian Responds To Apology
16:31 Vice Ganda Replies To Airline’s Apology, Says “PAL-PAK”
16:30 SWERTRES RESULT Today, Thursday, October 26, 2023
16:25 EZ2 RESULT Today, Thursday, October 26, 2023
16:15 LOTTO RESULT Today, Thursday, October 26, 2023
16:10 3D LOTTO RESULT Today, Thursday, October 26, 2023
16:05 2D LOTTO RESULT Today, Thursday, October 26, 2023
16:00 SWERTRES HEARING Today, Thursday, October 26, 2023
15:59 Jisoo, Ahn Bo Hyun split na
15:36 Ex-president Rodrigo Duterte faces criminal complaint | The wRap
15:32 Matteo humingi ng dasal na magka-baby kay Sarah
15:23 Parks’ Nagoya, Thirdy’s San-En sustain win streaks; Edu posts double-double in Toyama loss
15:05 Vice pumalag sa paliwanag ng airline company
14:51 Miss Grand International 2023: PH bet Nikki de Moura Ends Journey
14:50 Comelec, law enforcement agencies impose curfew in Negros Oriental
14:40 Marcos doubles Asian Games cash bonus; Gilas players get P1 million each 
14:02 BIGBANG’s G-Dragon booked for investigation on alleged drug use
13:55 6/45 Lotto Winner: 2 Winners Bag Multi-Million Jackpot Prize (October 25, 2023)
13:21 Andrea Brillantes Still Cries Because Of Ex? Here’s What She Said
13:03 Newsbreak Chats: Why Filipinos should care about Israel and Palestine
12:52 College editors urge CHED to probe LNU’s policies vs campus press
12:49 CSB halts Mapua’s 6-game win streak; Perpetual thrashes Letran
10:54 Well-deserved rest for EJ Obiena after ending season with Asian Games crown
10:25 Batanes under Signal No. 1 due to Severe Tropical Storm Jenny
9:53 ‘Happy but hurting’: PH bet Patrick Coo bags BMX bronze 
9:31 [ANALYSIS] Damage control for dummies
9:16 LIVE UPDATES: Philippines vs Qatar – 19th Asian Games basketball
8:57 La Salle dominates FEU, denies late comeback for winning Season 86 start
8:48 Avoid rookie mistakes! Tips for 1st-time international travelers
8:45 6/58 LOTTO RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
8:40 6/49 LOTTO RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
6:55 Food trip? These Korean star-approved cafes, restos in PH are perfect for Hallyu fans!
6:21 Disney ends broadcasting TV channels, including National Geographic, in Southeast Asia
5:39 ‘Nowhere Near’ review: Recontextualizing the way we think about immigration
5:12 IN PHOTOS: Maria Ressa at the Clooney Foundation’s 2023 Albie Awards
4:07 Road to España: Forthsky Padrigao embraces new chapter with UST
3:45 The future of Filipino art: Meet an organization that champions young Filipino artists, cultural workers
2:48 US Supreme Court to weigh state laws constraining social media companies
2:26 Andrea Torres Sultry Scenes In ‘Love Before Sunrise’
2:00 ‘So Jannelle’ celebrates 6 years of Filipino representation and immigration stories
1:33 Cristine Reyes Old Photo w/ David DiMuzio, Marco Gumabao Reacts
1:05 Carlos Yulo falls twice in nightmarish World Championships start, misses all-around final
0:39 Iza Calzado Almost Left Showbiz Because Of A Man
0:30 Tropical Storm Jenny further strengthens
0:00 Honor 90 Lite 5G Review — Full Specs, Features & Price in Philippines
16:59 ABS-CBN Ball 2023 Couples – Who Walk The Red Carpet Together?
16:47 Raising the bar: Filipinos online laud EJ Obiena’s historic Asian Games win
16:30 SWERTRES RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
16:27 Kathryn Bernardo On Php 40M Earnings Of “A Very Good Girl”
16:25 EZ2 RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
16:20 Tropical Storm Jenny slightly intensifies over Philippine Sea
16:15 LOTTO RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
16:10 3D LOTTO RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
16:07 Yulo eyes Paris Olympic berth as world championships begins
16:05 2D LOTTO RESULT Today, Sunday, October 1, 2023
16:00 SWERTRES HEARING Today, Sunday, October 1, 2023
15:27 BOC sinampolan ng smuggling mga importer sa Bulacan raid
15:17 Bagyong Jenny bumagal – Pagasa
15:14 Amerika palalakasin werpa ng `Pinas sa dagat
15:13 UPDATES: Philippines at 2023 World Artistic Gymnastics Championships
15:10 PBBM target murang bilihin sa Pasko – DTI
14:57 Ateneo sakalam sa world university ranking
14:55 Kim Chiu and Her Viral Look At The ABS-CBN Ball 2023
14:54 NBI, pulis, sundalo gamitin kesa spy fund – Lagman
14:49 Mga Pinoy adik sa online sugal – survey
14:42 `Pinas utang pa more ng $600M sa digital transformation
14:38 Gilas 3×3 exits Asian Games after falling short vs South Korea in quarters
14:38 Paggunita kay Sta. Teresita ng Lisieux
14:36 Investment sa solar energy
14:34 Japan goes berserk, ends Filipinas’ historic Asian Games debut
14:31 2 salot sa Quiapo, tiklo
14:27 Bigtime tulak, kasabwat timbog sa P10M tobats
14:24 Nene dedbol sa bundol ng bus
14:22 Lespu nag-overtake, sumalpok sa pickup