May comment si Romnick Sarmenta sa hiling ni MTRCB Chairwoman Lala Sotto na 5 million budget para sa honorarium ng board members. Tig-P10,000 per board member ang hiniling tuwing may board meeting.
Comment ni Romnic, “Mam… di po nila kailangan yung honorarium. Tinanggap po nila yung puwesto eh. Obligasyon po pag attend sa meeting, hindi po kailangan ng may pampalubag –loob.”
Bukod sa 5 million budget para sa honorarium ng board members, may P130.61M budget ang MTRCB sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program. Binasa ni Senator Jinggoy Estrada ang wish list ng board sa budget hearing at hintayin natin kung ibibigay ang hiling na ito ng MTRCB.
Every month pala ang meeting ng board members na aabot sa 30 katao at may special meetings pa sila. In fairness, nagpapa-gasolina ang board members tuwing uma-attend ng meeting ng MTRCB, tama lang siguro ang honorarium na hinihingi ni Chair Lala para sa kanila, kaya lang kontra rito si Romnick.
Marami ang nag-agree sa comment na ito ni Romnick, lalo’t malaki raw ang hinihinging budget para sa honorarium ng bawat board members.