Sa isang pa-‘Ask Me Anything’ sa Instagram story ni Trina Candaza, may nagtanong ng, “Ms. Trina. Paano kung ipakilala ni (tinakpan ang name) sayo si (tinakpan uli ang name)?”
Si Trina na ang nagtakip ng mga pangalan na alam nating lahat na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang tinukoy ng nagtanong dahil nabalitang they are a couple now at hindi naman nila ito idene-deny.
“Idk if ano mafeel ko if that happened, but yung idea for me it means he respects me so much and he loves that person so much too.”
Ayan, positive ang sagot ni Trina sa hindi mga pinangalanang tao, pero kilala ng mga nakabasa. So walang rason para magalit o i-bash si Trina ng supporters nina Carlo at Charlie. Ang ganda nga nang sinabi nitong kapag ginawa ‘yon ni Carlo, ibig sabihin malaki ang respeto nito sa kanya at ibig ding sabihin ay mahal na mahal nito si Charlie.
Okey na naman sina Carlo at Trina nang magkita sa moving up ceremony ng anak nilang si Mithi. May photos pa silang kasama ang anak.
Tiyak na masaya si Mithi na makitang kumpleto ang kanyang parents, ha! (Nitz Miralles)