logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

51 pts ni McDaniels sinandigan ng TNT

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

WALA pa ring mantsa matapos ang anim na laro ang Talk ‘N Text KaTropa kasunod ng 116-113 victory kontra Meralco Bolts sa main game ng 2019 PBA Governors Cup eliminations kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagpasabog ng dambuhalang 51 puntos si TNT import KJ McDaniels sa likod ng 17-of-25 field goal para ibigay sa KaTropa ang malinis na anim na panalo at ibigay sa Bolts ang ikalawang talo sa limang asignatura.

Nagpasok din si McDaniels ng limang tres sa 10 tira, may palamuti pang 10 rebounds, 2 assists at 4 butata.

Split ang free throw ni McDaniels sa natitirang 8.3 segundo ng laban at may tsansa pa sana ang Meralco na dalhin sa overtime ang laro subalit sablay ang panablang tres ni Allen Durham kasabay ang pagtunog ng buzzer.

Nagdagdag si Roger Pogoy ng 23 puntos, habang mayroong 21 marka ang playmaker na si Jayson Castro.

Agad na ibinagsak ng Bolts ang 12-0 bomba sa pagsisimula ng laro tampok ang limang sunod na puntos mula sa isang tres at jumper ni Baser Amer upang ibuhos ng Meralco ang kabuuang 32 puntos sa unang yugto at limitahan ang Katropa sa 16 puntos lamang sa pagtatapos ng quarter.

Itinala ng Bolts ang pinakamalaki nitong abante na 19 puntos sa natitirang 14 segundo ng unang period, 32-13, mula sa isang step back jump shot ni Chris Newsome.

Gayunman, agad nagpilit na makaahon ang KaTropa matapos nitong ibuhos ang kabuuang 33 puntos sa ikalawang yugto habang nilimitahan naman ang Bolts sa 20 marka lamang para idikit muli ang labanan sa 52-39 sa pagtatapos ng unang hati. (Lito Oredo)

All rights and copyright belongs to author:
Themes
ICO