Philippines

Abu Sayyaf leader timbog sa bahay ni Misuari

Nahuli na ng Philippine National Police (PNP) si Abu Sayyaf leader Abduljihad Susukan, Huwebes ng gabi.

Ayon kay PNP chief General Archie Gamboa, sa bahay ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari dinakip si Susukan.

Ito’y matapos isuko ni Misuari kay Davao City Police chief Police Col. Kirby Jon Kraft si Susukan sa nangyaring negosasyon sa kanyang bahay sa Yñigue Subdivision, Maa, Davao City.

Nagkaroon ng negosasyon matapos malaman ng pulisya na nasa lungsod si Susukan upang magpagamot.

Isinilbi ng pulisya ang 23 warrant of arrest laban kay Susukan para sa kasong murder, lima sa kasong kidnapping at serious illegal detention at anim na frustrated murder.

Sasailalim muna sa medical check-up sa Camp Quintin Merecido Hospital si Susukan bago siya i-turnover sa Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Matatandaang nauna nang nabalitang nasawi si Susukan noong Pebrero 2020 sa naganap na engkuwentro ng mga sundalo at Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Samantala, sinabi ni Kraft na iimbestigahan ng pulisya kung bakit kasama ni Misuari sa bahay si Susukan, na Abril pa umano nasa pangangalaga ng dating MNLF chairman. (Edwin Balasa)

Football news:

Semedu for 40 million euros will move from Barca to Wolverhampton (ESPN)
Showsport: Tiago will make Liverpool more variable and thinner. Bayern will feel the loss, but only in the top matches
Jose did not include Dele alli even in the application (it seems, because of the conflict), but so far remained the winner-Son scored 4 from Kane's assists
Negredo scored the first goal for Cadiz. He has 113 goals in La Liga
Jose Mourinho: Kane killed the game. Tottenham were too good in the 2nd half
Braithwaite suffered a quadriceps injury in Barca training
Kane scored 5 (1+4) points in the match against Southampton