logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Ang kasaysayan ng Bacoor

Nakakatuwa at maraming mahuhusay na tao sa Bacoor, ang aming siyudad na pinagsikapan naming mara­ting kung ano ang aming kinalalagyan sa kasalukuyan at hanggang ngayon ay hindi kami tumitigil sa pagsisikap na ito ay mapaganda at lalo pang mapaganda.

Ngayon kilalang-kilala ang Bacoor bilang Marching Band Capital of the Philippines dahil bukod sa tayo ang may pinakamagaga­ling na grupo ng mga musikero ay tayo rin ang nangunguna sa mga patimpalak na dinadaluhan ng iba’t ibang bayan sa buong bansa.

Kilala na rin ang Bacoor na isa sa may pinakamahuhusay na manlalaro ng basketball sa bansa at dahil dito ay mas dumami ang kabataan na naengganyo na maglaro ng basketball sa halip na magbisyo.

Alam din ang Bacoor dahil sa pagiging relihiyoso, mga lumang simbahan at kay Father Mariano Gomez, na isa sa Gomburza o tatlong pari na pinatay sa pamamagitan ng garrote dahil sa kanilang paninindigan.

Ngayon dapat nating ipagpasalamat ang kagandahan ng teknolohiya dahil sa naging madali na para sa mga modern-day historian na gawin ang kanilang pananaliksik para matuklasan ang mga kaganapan sa nakalipas na panahon.

Tulad na lamang ng librong ‘Kasaysayan ng Bacoor (1671-1900)’, na isinulat ng Cavite historian at pangulo ng Cavite Historic Society (CHS), Emmanuel Franco Calairo, PhD, na naglalaman ng tungkol sa mayamang kasaysayan at kultura ng Bacoor.

Malaking karagdagang kaalaman kung ikaw ay taga-Bacoor na mabasa mo ang naturang libro dahil maraming karagdagang kaalaman ang malalaman mo na hindi mo makikita sa ibang libro.

Sabagay mismong si Calairo ay hinihikayat ang lahat na basahin ang “Kasaysayan ng Bacoor” partikular ang mga taga Bacoor para matuklasan nga ang napakakulay na kasaysayan at mga impormasyon na hindi naisiwalat ng kumpleto.

Makikita rin sa aklat na ito kung paano tayo ipinagtanggol ng ating mga ninuno sa kamay ng ating mga kalaban na nais gumapi sa ating bayan ngunit hindi nila ‘yan pinayagan kaya ngayon ay masaya tayong namumuhay sa mahal nating siyudad ng Bacoor.

Ayon mismo kay Calairo, maipagmamalaki mong isa kang taga-Bacoor sa oras na mabasa mo ang librong ito dahil sa detalyadong nakatala kung paano ipinakita ang kampanya para sa kalayaan.

Base kasi ang librong ito mula sa tunay na pangyayari na hinimay at pinagtiyagaang buuhin para lamang maiparating sa mga bagong tao na ngayon pa lamang magsisimulang magbasa ng kasaysayan.

Bale nahahati ang libro sa apat na bahagi, mula sa panahon ng mga Espanyol hanggang sa panahon ng digmaang Pilipino – Amerikano na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng librong ito.

Lumalabas na 80 porsiyento ng nilalaman ng librong ito ay mula sa primary sources habang ang nasa 30 porsiyento ay mula sa mga naunang aklat na pinagsama-sama.

Kaya napakataas ng aking moral dahil dito dahil alam kong maraming matatalinong taga-Bacoor at sana at mabasa ito ng mga kabataan para pamarisan at maging matibay ang pagiging makabayan.

Themes
ICO