Philippines

Bagong kasal pinaghiwalay ng COVID-19

Naudlot ang honeymoon nina Dr. Gytha Kate Torres Valenzuela at ng kanyang asawang si Nicco dahil sa tawag ng tungkulin.

Kinailangan kasi siya sa ospital noong Marso, kaya’t pinostpone na lang nila ang kanilang honeymoon sa Japan sa Abril.

Handa na sana ang lahat para sa kanilang trip, pero nag-lockdown naman. At ang masaklap, nag-positibo si Dr. Gytha sa Covid-19.

“Nasa clean ward ako, kaya’t hindi ko malaman kung saan ko nakuha ang virus. Invisible kasi ang virus. Pumupunta ako sa grocery once a week, may mga deliveries sa bahay. May mga indirect mode of transmission. Sa plastic nga, tumatagal ang Covid-19 ng 2-3 days.”

Sa huling duty niya noong April 5, hinihinala niyang nagsimula na ang pagkalat ng virus sa kanyang katawan. Nagsimula siyang makaramdam na parang may plema sa lalamunan pero wala namang ubo. Bukod doon, nawalan siya ng pang-amoy.

“Nagkaroon ako ng anosmia. Habang naglilinis ako ng dumi ng aso, napansin kong wala akong naaamoy. Doon na ako na-alarm kaya’t di na ako pumasok. After 5 days ng pagpapa-test, positive.”

Mild Covid-19 ang klasipikasyon ng sakit ni Dr. Gytha. Wala siyang lagnat pero nag-diarrhea siya ng 2-3 times a day. Nakaramdam din siya ng panghihina at kahirapang huminga. Mas komportable siyang matulog kung dalawang patong ang unan niya. Pakiramdam niya kasi, para siyang nalulunod. Hindi niya makumpleto ang kanyang pagsasalita. At kapag humihinga, pakiramdam niya ay hindi kumpletong pumapasok ang hangin sa kanyang baga.

“Natakot din ako. Inisip kong tatagal ba pa ako sa next hours, days? Hindi pa rin kasi natin naiintindigan ang Covid. Para siyang rollercoaster na ngayon, ok na, pero bukas hinihingal na naman ang pakiramdam. Hindi ko alam kung puwede ba akong magka-stroke? Natatakot din akong baka maipasa ko ito sa aking husband.”

Dahil mild ang kanyang kaso at wala namang comorbidity, pinauwi siya sa bahay at nag-quarantine. “Nandoon lang ako sa bedroom, may sarili akong mga gamit tulad ng toiletries at utensils. Ang husband ko ang aking caregiver. Siya ang nagpe-prepare ng pagkain ko at inilalagay lang niya sa mesa sa labas ng pintuan. Lagi siyang may hawak na mga panlinis at naka-mask.”

Kapag gumagamit ng banyo, si Dr. Gytha mismo ang naglilinis nito pagkatapos gamitin. “Pitong kutsara ng bleach, ilagay sa isang litro ng tubig. Ito ang panlinis sa kabuuan ng banyo. Naka-mask din ako habang naglilinis para di ko maikalat ang virus. At kailangang maghintay ng 20 minuto ang susunod na gagamit ng banyo. Dala ko rin palabas ang aking sariling toiletries at mga panlinis.”

Ipinaalam din nila sa kanilang barangay at administrator sa condominium ang kanyang kalagayan dahil iba ang handling ng kanilang garbage collection.

Sa kabutihang palad, sa panahon ng pag-aalaga sa kanya ng kanyang asawa, hindi ito nagpositibo sa Covid. Malaking bagay rin ang suporta ng kanyang pamilya at mga kapitbahay sa kanyang kondisyon. “Pamilya ko ang naghahanap ng gamot sa pharmacies kasi laging out of stock. Neighbors naman namin ang nagpapadala ng pagkain at mga motivational books.”

Negative na rin ngayon sa Covid-19 si Dr. Gytha at nais na niyang bumalik sa panggagamot. Balak din niyang i-donate ang kanyang plasma para sa mga kritikal ang kalagayan sa virus.

“Nalungkot at natakot din ako nang magkaroon ako ng Covid-19. Nagdasal ako at doon ko naintindihan na may purpose kung bakit ito ibinigay sa akin – para maibahagi ko ang mga naging karanasan ko at mas maunawaan ko ang mga pasyenteng dumaranas nito. Covid warriors, be positive. Laban lang!”

Para sa may katanungan sa Covid-19, tumawag sa 1555 o sa 02 894.COVID. Para sa nakakaranas ng anxiety o sobrang kalungkutan dahil sa Covid, mag-text sa 09178998727.

Football news:

Kike Setien: Griezmann played a great match, understood Messi well, scored a great goal. We changed something
Barca President on the Real Madrid match: VAR always favours one team. I have an unpleasant feeling
Faty scored the 9,000 th goal in the history of Barcelona
Griezmann scored in La Liga for the first time since February with a pass from Messi
Suarez came out on the 3rd place in the list of the best Barca Goalscorers in history
Guardiola lost 3 away games in a row in the League for the first time in his career
About Lautaro Marotta: He has not shown the slightest desire to leave