Philippines

Conscience vote! Ewan ko sa kanila – Grace Poe

Tila duda si Senadora Grace Poe na nanaig ba ang ‘conscience vote’ ng mga kongresista matapos tuluyang ibasura ng House panel ang franchise application ng ABS-CBN Corporation.

“Ewan ko sa kanila kasi sila naman ang nakakarinig ng kanilang konsensiya. Pero marami doon sa mga bumoto laban sa prangkisa ng ABS-CB,” pahayag ni Poe sa panayam ng CNN-Philippines.

“Nagtaka lang ako kasi noong umpisa eh sila pa nga mismo ang nag-file ng bill to co-author the franchise of the ABS-CBN,” dagdag pa nito.

Sabi ni Poe, chair ng Senate committee on public services, may kakulangan din sa committee report ng House panel.

Binigyang-diin pa nito na mas makabubuti sana kung binigyan ng temporary permit ang ABS-CBN para sa kapakanan ng 11,000 kawani nito na nawalan na ngayon ng kabuhayan.

“Sapagkat ngayon, isang trabaho, limang trabaho, isang libong trabaho ay importanteng maisalba,” ani Poe. (Dindo Matining)

Football news:

Fomin about career abroad: I don't plan so: in 20 — FNL, in 22 — RPL, in 24 — Europe. I move step by step
Mendes suggested Manchester United's Fati as an alternative to Sancho. Barcelona will not sell the midfielder and will extend his contract
Sevilla goalkeeper bunu about the 11-meter shot: he Coached a penalty with Ocampos. He is hitting the same way as Jimenez
Coach Porto conceição can change Conte at the head of Inter
Hans-Dieter flick: I Think Tiago should play in the Premier League. He wants a new challenge
Coutinho can play against Barca. The contract does not specify a ban on his participation in the match
The real life thinking about to return to Zeballos. The decision is up to Zidane