Philippines

DTI tinulak pagbubukas ng mga gym

Nirekomenda ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan nang magbukas ang mga gym kahit hanggang 10% capacity lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level system.

“`Yong susunod po nating ipinapa-allow, dahil sa prinsipyo ng exercise, ay `yong gym. Kasi talagang pinag-iisapan din ngayon `yan. `Yong pag-e-exercise kasi nakakataas ng immunity,” pahayag ni Lopez sa isang panayam sa radyo nitong Linggo.

Subalit kailangan aniya na maging mahigpit kapag pinayagan ang pagbubukas ng mga gym para masiguro ang kaligtasan ng publiko na pupunta sa mga ganitong lugar.

“Allow natin pero mas marami kang requirements. Kunwari kailangan mo pa ng air purifier or `yong at any given point in time kung ang capacity nung gym ay 100 dati ngayon 10 lang,” sabi ni Lopez.

Kasalukuyang nasa alert level 4 ang Metro Manila hanggang sa Setyembre 30. Ito ang pinakamataas na alert level laban sa COVID-19.

Sa ilalim ng nasabing alert level, mga kainan at ilang personal care service lamang ang pinapayagan at limitado ang puwedeng makapasok. (Prince Golez)

Football news:

Inzaghi pro 1:3 with Lazio: Inter should not lose his head. An hour leading the score, you have to take 3 points
Neville about Manchester United: I would not like to be a defender of a team that has Ronaldo, Pogba, Bruno, Sancho and Greenwood on the field
Barcelona wants to sign Vlahovic from Fiorentina if they don't buy Holand (Gerard Romero)
Manchester United's new crisis: they lose even with Ronaldo, Pogba blames the defense, Sulscher admits mistakes
Brentford coach: Chelsea are very lucky. We dominated the last 30 minutes. He has 5 strokes!
Tuchel about 1-0 with Brentford: Chelsea were strong in the first 70 minutes and lucky in the last 20
Ronaldo has no effective actions in three consecutive Premier League games. Today he struck 3 shots, gave 31 passes and was offside 3 times