Philippines

Dumarami nahahawa kaya sumisirit COVID – VP Leni

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na local transmission at hindi ang pagdami ng mga sumasailalim sa testing ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang pahayag ni Robredo ay taliwas sa mga ipinagmamalaki ng pamahalaan na kaya dumarami ang bilang ng mga kaso ng COVID sa bansa ay dahil sa lumalawak na testing capacity nito.

Sinabi ni Robredo na kung ang pagbabasehan mismo ay ang datos mula sa Department of Health (DOH), nasa 9.84% ang positivity rate na mas mataas sa naitala noong June 30 na 7.06%.

“It is good news that we have already increased our testing capacity. In fact, we have the most number of tests conducted already in absolute numbers. What I am bothered about is that we are attributing our numbers to just our increased testing capacity. This is not exactly accurate,” ayon kay Robredo sa isang pahayag.

Kaya hindi dapat aniya makuntento na lamang sa target na testing capacity sa halip ay pagsikapang maibaba ang positivity rate sa 5%. (Kiko Cueto)

Football news:

Ranieri on 0:3 with Juve: I did not expect such a weak game from my players
Leeds can buy Malinovsky for 20 million pounds
David Silva made his debut for Sociedad in a game against Real Madrid
Bayern Munich and Borussia Dortmund are Interested in Barcelona forward de La Fuente
Rodgers has 100 WINS in the Premier League in 210 games. Only Ferguson, Dalglish and Keegan have a better result among the Brits
Ferran Torres: I Knew that Manchester City have strong players, and in training I saw how
Leicester scored 6 points in the opening two rounds of the Premier League for the first time since the 2015-16 championship season