logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Jennylyn-Dennis album hiling ng mga fan

tonite-this-is-it-roldan-castroTuloy-tuloy ang pagpapakilig ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang fans. Uploaded na kasi sa YouTube channel ng “Love You Two” star ang latest cover version nila ni Dennis ng “After All” nina Peter Cetera & Cher. Kilig overload ang #DenJen fans sa kanilang duet at marami ang nagre-request na magkaroon ng album ang dalawa.

Anang YouTube user na si Adrian Rey Vivares, “Kilig much. Iba yung emosyon ng boses nilang dalawa sa kanta. Ang gandaaaa. I’m so in love.” Agree rin si Marianne Kate Almazan na nag-post ng kanyang comment na, “My gash!! Happiness and love. Im crying! Love you Miss Jen! A fan since starstruck days! Plus dennis! … Afterall kayo pa din!”

Samantala, walang patid ang saya at kulitan sa top-rating primetime series na “Love You Two.” Umamin na kasi si Raffy (Jennylyn) kay Jake (Gabby Concepcion) pero imahinasyon lang pala ng dalaga ang lahat! Kahit daydream lang ang nangyaring confession, maraming Kapuso viewers ang kinilig sa eksena na ito nina Jennylyn at Gabby. Abangan kung tuluyan na nga kayang mapapaamin ang dalaga sa kinikimkim nitong feelings sa kanyang boss sa “Love You Two” gabi-gabi pagkatapos ng “Sahaya” sa GMA Telebabad.
***

Mga celebrity, senior citizen, foreigner nagdagdag-kilig
sa ‘KapareWho’

Dahil sa araw-araw na pagtutok ng madlang people, mas ginawang espesyal ang bawat Biyernes ng “It’s Showtime” sa compatibility segment nitong ‘KapareWho Surprise’ tampok ang iba’t ibang celebrities at nakakatuwang pagma-match ng mga taong naghahanap ng kaibigan o makakasama.

Ngayong linggo, kaabang-abang ang paresan dahil sasalang sa top-ra-ting noontime show ang mga foreigner na babae at mga lalaking mula sa iba’t ibang isla sa bansa.

Marami ring manonood ang kinilig sa pagsisimula ng ‘KapareWho Surprise,’ kung saan sumabak sa segment ang mga aktres na sina Via Veloso and Katrina Paula, na pinili namang kapares ang basketball player na si Mark Andaya at ang Itchyworms bassist na si Kelvin Yu.

Noong nakaraang linggo naman, itinampok ang senior citizens na gustong magsimula ng pagkakaibigan, gaya ng isang 67-anyos na ballroom dancer na nakapares ang isang Pinoy na taga-Hawaii, at isang 75-anyos na financial consultant na pinili ang isang dating scuba diver.

Ang ‘KapareWho’ ay isang compatibility game, kung saan tampok ang dalawang ‘Who-mahanap’ o mga dalaga o biyudang edad 40 taon at pataas na kinikilatis ang mga ‘Kala-who-k,’ na tatlong lalaking naka-maskara. Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang ‘Who-mahanap’ ng napupusuang maging kasama o kaibigan.

Sa mga nakalipas na buwan, naging surprise ‘Kala-Who-k’ na rin ang mga aktor na sina Jeric Raval, Mon Confiado, Keempee de Leon, Carlos Agassi, at Wowie De Guzman.

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch. 167).

All rights and copyright belongs to author:
Themes
ICO