Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Joshua nagpatakam sa hubad-baro

NI: ARCHIE LIAO

Trending noon ang topless o hubad-baro scene ni Joshua Garcia sa trailer ng Darna.

Katunayan, ginawan pa nga ng iba’t-ibang memes ang kanyang pasilip ng abs noon sa social media.

Ayon pa kay Joshua, si Direk Avel Sunpongco, isa sa mga director ng Darna, ang nag-convince sa kanya na gawin ang ganoong klase ng eksena.

Katunayan, hindi lang daw isang beses siyang magpapatakam ng kanyang kahubdan dahil ilang beses pa raw itong naulit sa nasabing fantaserye.

Kung siya raw ang tatanungin, hindi raw siya ganoon ka-confident sa kanyang body.

Na-convince lang daw siyang maghubad dahil nasa edad na raw naman siya . Bukod dito, hindi naman nagmukhang masagwa ang kanyang mga eksena.

Gayunpaman, pinaghandaan daw naman niya ang ganoong klaseng patakam sa pamamagitan ng pagwo-workout.

Ginagampanan ni Joshua ang papel ni Brian Robles, isang pulis na magiging love interest ni Narda/Darna sa Darna:The TV series .

Mapapanood na ito sa Primetime Bida evening block ng Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at worldwide sa The Filipino channel simula sa Agosto 15.