Philippines

Kathryn pasikat kay Daniel

Sobrang ipinagmamalaki ni Daniel Padilla ang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa kanyang mga kaibigang sina Khalil Ramos at Patrick Sugui nang magkwentuhan sila sa Facebook Live few days ago.

Nakakatuwa si DJ dahil talagang si Kathryn pa rin ang hinahanap niya kahit kakuwentuhan na niya ang mga kabarkada.

“Si Kathryn? Ayaw bang sumali dito? Tawagin niyo na si Kathryn or i-flood niyo na lang si Kathryn sabihin niyo sali siya,” sabi ni DJ sa mga kaibigan.

Proud din ikinuwento ni Daniel na nagpi-piano na raw si Kathryn ngayon.

“Si Kathryn nagpa-piano siya. Nagpa-piano si Kathryn ngayon. Galing niya! Ako, tumutugtog ako, di ba? Si Kathryn natututo sya sa cellphone, may app. Pare, ano ‘yun, notes. Ang hirap nun, ah!

“Well, may ganu’n talagang mg utak, eh, well, she’s a genius sa sarili niyang paraan,” pagmamalaki ni Daniel.
Sabi naman ni Patrick, “eh di in-love na in-love ka na naman niyan.”

Sagot naman ni Daniel, “in love ako, ewan ko, or nagpapasikat lang sa akin, di ko alam.”

Maya-maya ay hinanap na naman ni DJ si Kathryn at gustong isali talaga sa jamming nila.

“Asan na siya (Kathryn)? Gusto ko siyang makausap dito. Kahit walang ayos ‘yon, napakaganda ng babaeng ‘yon. Hindi niya na kailangan mag-ayos,” papuri pa ni Daniel sa GF.

Natatawa na lang ang mga kaibigan ni DJ dahil kitang-kita nga naman kung gaano ka-in-love ang aktor sa girlfriend.

Football news:

Tottenham are ready to sell Voigt for 10 million euros and increase the offer for Skrinjar to 45 million
Bellerin on 1:3 with Liverpool: Arsenal could have drawn or won
Klopp on the leadership of Leicester, Liverpool and Everton after 3 rounds: who cares who is in the lead now? This is just the beginning
Olas on Depay and Aouar: those who do not have time to leave before October 2, will remain in Lyon
Liverpool pinned Arsenal: Robertson brought, but corrected, Jota scored the team's 400th goal in the Premier League under Klopp
Zhota about the 1st goal for Liverpool: an Incredible feeling. It's a pity the stadium wasn't full
Mikel Arteta: Liverpool is the standard that Arsenal must achieve. They are superior to us in many aspects