Philippines

Kawhi, Clippers lulunurin Mavs

Sina Luka Doncic at Kristaps Porzingis nag itatapat ng Dallas kina Kawhi Leonard at Paul George ng Clippers.

No. 2 sa West ang Los Angeles, toka ang No. 7 Mavericks sa first round ng 74th NBA playoffs.

Tinambakan ng LA ang Dallas 126-111 nitong Agosto 7 sa Orlando bubble. Breakout game ‘yun ni Ivica Zubac na nagpasabog ng 21 points at 15 rebounds, may pinagsamang 53 markers sina Leonard at George.

Nakabalik na rin sa bubble si Montrezl Harrell, matatapos na ang four-day quarantine bago harapin ang Oklahoma City Thunder. Namatay ang lola ni Harrell kaya kinailangang umuwi.

Pinaghirapan ni Doncic at 29 points niya, pero hindi naisalba ang Mavs sa last meeting. May 30 points at 9 rebounds doon si Porzingis. Siyam lang ang nasa roster ng Mavs noon, hindi nagpakita ang role players nilang tulad nina Trey Burke at Delon Wright. Kailangan ding mambarako pa ni Boban Marjanovic sa paint.

Dahil slasher si Doncic, kailangang handang tumanggap ng bola ang mga babatuhan niya sa labas kapag nagipit. (Vladi Eduarte)

Football news:

Van de Beek after 1:3 with Palace: Happy to make his debut for Manchester United, but disappointed with the result
Jurgen Klopp: Transfer activity shows Chelsea's ambitions
Andrea Pirlo: I'm in Juve and I work with a team full of Champions. I have no doubts, only confidence
Even Zidane listens to Marseille rap. The city is steeped in hip-hop, and the club promotes aspiring rappers
Leicester loaned Under until the end of the season
Robertson on Messi: He will be considered one of the best ever along with Maradona and Pele when he finishes
Giggs about Manchester United: Palace were better and wanted to win more strongly. They could have scored more