Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lumandi sa ex

Normal lang ba na mapanaginipan ang ex mo tapos sweet na sweet kayo? Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit siya ang nakita ko sa panaginip pero dun sa napanaginipan ko magkabati daw kaming nakaupo at nakasandal ako sa kanya, parang nung mga dati lang talaga na kami pa. Nakita ko lang siya ngumiti sa akin tapos parang aware ako na nananaginip lang ako kaya nagising na ako. Anong ibig sabihin nito? Thanks po.

Kapag napapanaginipan natin ang dati nating nakarelasyon o kahit ang mga dati nating crush at hindi talaga nakasama romantically, kadalasan itong nagiging pantasya tungkol sa specific na detalye na gusto mo na mangyari sa iyo.

Minsan ang mga ganitong panaginip ay nag-iiwan sa atin ng doubt at pagtatanong ng what if? Tulad ng paano kung ibang uri ng buhay o lifetsyle ang pinili mo? Paano kung ang ex mo ang pinili mo? At marami pang tanong na tungkol sa paano kung.

At siyempre ang una agad na maiisip ay posibleng mayroon ka pang natitirang feelings para sa kanya. O habang tumatagal ay gusto mo pa uli siyang makita o makasama, pero ang mga ganitong paraan ay maaaring ilusyon lang, dahil gusto nating makita ang mga bagay sa kung paano natin ito gusto o inaasahang mangyari kesa sa totoong kondisyon nito. Tulad ng inyong relasyon.

Ang panaginip na kasama ang iyong ex ay maaari ring simbolo ng iyong desire. Kugn sweet kayo sa panaginip na humantong sa intimate na paraan, sinasabi nito na hindi nasa-satisfy ang sexual need mo ngayon, nasa relasyon ka man o wala.

Indikasyon din ang pakiki-‘landian’ sa iyong ex sa panaginip na gusto mo ng affection o pakiramdam ng minamahal, o kaya ay feeling mo walang nakakaunawa sa iyo ngayon.

Isang magandang katangian ng panaginip mo ay tila pagiging aware mo na panaginip lang ito, ibig sabihin ay handa ka nang magpaalam sa ex mo at sa mga nakakabit na emosyon sa kanya. Handa kang mag-let go at mag-move on na sa iyong buhay apra sa bago pang parating.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com