logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Mga mayor niloloko sa clearing operation

Natatawa at ­naiiling na lang ako kapag ­nakakakita ng mga lugar na nililinis ang mga kalsada at side street bilang pagtugon sa 60 araw na ­deadline ng Department of the Interior and Local ­Government (DILG).

Hindi kasi seryoso ang mga opisyal ­ba­ra­ngay sa kanilang ginagawa, bagkus ay nagpapakitang-gilas lang ang mga ito lalo na kapag may mga taga-City Hall o taga-munisipyo na nag-iinspeksiyon sa kanilang barangay.

Instant linis ang mga kalsada at side street kapag may mga kasamang taga-City Hall o kaya ay sorpresang dumaan si Mayor pero kapag nakaalis na ay balik sa dati ang mga nakaparadang sasak­yan at mga extended na tindahan ng ulam o pansit sa halos kalahati ng kalsada.

Sa lungsod lamang ng Maynila ay may mga nakikita akong ganitong tanawin at talagang pakapalan na lang ng mukha kapag pinupuna ang mga ito.

Bukod sa mga naka­paradang sasakyan, ginawa ring extension ng bahay para gawing garahe ang mga kalsada sa mga barangay o kaya ay tolda at kapag sinisita ay isasangkalan si barangay chairman na pinayagan silang gamitin ang isang ­bahagi ng kalsada.

Ang ibang ­barangay naman, takot ang ­barangay chairman na sitahin o ipatupad ang utos ng DILG dahil ­posibleng buweltahan siya at gawan ng masama lalo na at mga “dayo” ang naghahari-­harian sa kanyang ­nasasakupan.

Hanggat hindi nasasampulan ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang mga kapitan ng barangay na duwag o ningas-kugon lang sa ginagawa ay hindi mapapanuto ang isang komunidad.

Malinaw ang ­direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DILG na kasuhan sa Ombudsman ang mga barangay chairman na hindi ginagawa ang trabaho lalo na sa pag­lilinis ng mga sagabal sa mga kalsada.

Bagama’t mayroon nang nakakasuhan ayon kay Diño, tila hindi epektibo ito kaya may ilang nagmung­kahi na idaan sa “shame campaign” ang mga hindi maayos na nagtatrabaho.

Subukang mag-inspection sa mga ba­rangay pagsapit ng takipsilim at dito makikita na walang ipinagbago sa nilinis na kalsada sa umaga.

Balik sa dating puwesto ang mga sasak­yang walang tamang garahe, pati na ang mga tricycle at mga tindahan ng pagkain na ginawang restaurant ang daan.

Sadyang matitigas ang ulo ng mga Pilipino, hindi ko nilalahat pero mayroon talagang pasaway at walang pakialam kahit makaperwisyo ng kapwa at ­kinukunsinti naman ni Kapitan dahil kaibigan, kumpare o kamag-anak ang mga ito. ‘Yan ang ugaling Pinoy!

All rights and copyright belongs to author:
Themes
ICO