Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ms.Q and A tarayan hinaluan ng politika

Ni: Alwin Ignacio

Namayagpag in a major, major way ang mga pangalan nina Ms. World Second Princess at gumanap na First Lady Imelda Romualdez Marcos sa “Maid in Malacanang” Ruffa Gutierrez at si Kaladkaren, ang impersonator ni Karen Davila, si Jervi Li, sa pa-woke universe na Twitter.

Sa mga nakapanood ng kanilang verbal exchange sa beauty contest segment ng “It’s Showtime,” ang dating nito sa mga manonood, simple ang pagtataray nitong si Jervi kay Gutierrez.

May kung anong sagot kasi tungkol sa pagkakaisa ang isang Ms.Q and A kontesera.

Ay! Ano ba iyan? Pati tuloy beauty contest segment may political undertones na! Anong kaguluhan ito? Dahil dito tila marami ang palaging mag-aabang sa pagmamagandahan nina Sharmaine Ruffa Gutierrez at Jervi Li-Wrightson, huh!

At least, nagka-relevance muli ang Ms. Q and A lalo na nga’t hindi natin sure kung ang orihinal na nagwagi nito, ay makaka-eksena pang muli sa timpalak pabibuhan at kagandahan, huh!