Philippines

NBI pipigain ex-Wirecard exec, Pinay dyowa sa scam

Sa kabila ng sinasabing pumanaw na ang dating Wirecard Asia Pacific executive na si Christopher Bauer, iimbestigahan pa rin sila ng kanyang asawang Pinay hinggil sa pagkakasangkot sa bumagsak na German based payment company, ayon sa mga source mula sa National Bureau of Investigation.

Nabatid na tumanggap diumano sina Bauer at Belinda Floredeliza ng milyong-milyong dolyar mula sa Wirecard para sa operasyon ng PayEasy Solutions, isang payment processor, at ng Froehlich Tours na operator ng P2P bus.

Base umano sa papel, ang dalawang kompanya na nakabase sa Maynila na pag-aari ng mag-asawang Bauer ang pinanggagalingan ng malaking kinikita ng German firm hanggang sa nag-collapse ito noong 2019.

Si Bauer umano ang pinagkakatiwalaan ng nawawala pang si Jan Marsalek, ang dating chief operating officer ng Wirecard na sinisiyasat din sa accounting fraud na tinatayang aabot ng $1.9 bilyon.

Sa ulat ng Financial Times, sa kanyan pulong noong Marso sa mga auditor dito sa Maynila, inamin ni Bauer na ang mga kliyente ng PayEasy Solutions ay kabilang sa mga “high risk” na sangkot sa online gaming, gambling, at porn.

Sinabi ng source na ang Froechlich Tours na ino-operate din ni Bauer ay mayroong transaksyon sa mga junket operator sa Suncity Group Manila at Tiger Resort Leisure and Entertainment.

Ayon pa sa NBI source, sisiyasatin din ang sinasabing pagkamatay ni Bauer na batay umano sa death certificate nito ay sanhi ng “Septic Shock

Secondary to Cellulitis caused by Diabetic Ketoacidosis,” sa Paranaque Medical Center.

“There are questions in Bauer’s death that has to be verified and

checked, thus further investigation surrounding his death is needed,” sabi ng source.

May hiwalay na post din ang Pinay wife at anak ni Bauer sa Facebook tungkol sa pagpanaw umano nito noong July 27 subalit lumabas naman noong August 1 ang death notice sa kanyang pagkamatay sa isang local newspaper sa Germany. (Nancy Carvajal)

Football news:

PSG are in talks with Chelsea about Bakayoko. The Blues are ready to give the player on loan
The start time of the match Liverpool - Arsenal moved up 15 minutes early because of a curfew in England
Jose Mourinho: I'm tired of asking questions about Allie. 99% of the responsibility lies with the players. On me 1%
Werner admits he was doubtful about moving to Chelsea after the Bayern Munich defeat: I'd be lying if I said that it didn't happen
Messi and Neymar shared 4th place in the voting for the UEFA player of the season award, Ronaldo - 10th
Bayern are ready to offer Alaba a 5-year contract. Previously discussed a 4-year deal
Klopp, flick and Nagelsmann are up for the best coach of the season award