logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Ramirez, PSC nagpasaya ng 600 kabataan sa Davao

PINASAYA ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Institute (PSI) ang higit 600 kabataan sa magkakasabay na pagsasagawa ng UNESCO-cited Children’s Games sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at Banaybanay, Davao Oriental nitong Nobyembre 8-9.

Pinahayag kahapon ni PSC Chairman William ‘Butch’ I. Ramirez na ang patuloy na aktibidad ng national sports agency ay base sa atas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ipalasap ang saya na dulot ng sports sa buong bansa.

“We have visited provinces which have never been visited by the PSC or any other sports program before,” wika niya. “Lubhang napakahirap ng daan pa-JAS kung saan mula Davao City ay tinahak ng PSC Mindanao staff sa pamumuno ni program coordinator Cholo Elegino ang tatlong ilog upang maabot ang munisipalidad na may layong 229 kilometro at may pitong oras na biyahe buhat sa Davao City.

Gayunman, ‘di naging sagwil sa delegasyon ang makita ang mahigit 300 kabataan na sadyang naghintay sa pangako ng ahensiya na isang araw ng saya at paglalaro sa Holy Cross of Caburan.

Nasa 250 ang nag-tug of peace, sack race, piko, dodgeball, kadang-kadang at dampa ang mga bata.

Nagsagawa rin si Elegino ng mga basketball clinic sa 20 papaangat na dribblers habang ang beteranong coach na si Mario Mojica ang ­nagdaos ng volleyball clinic na 31 ang lalahok. (Lito ­Oredo)

Themes
ICO