Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Rosario, Tropa susungkitin titulo

Game 5 ngayon: (DHVSU, Bacolor)

6 pm – Magnolia vs TNT

(Tropang Giga lead series 3-1)

Si Troy Rosario ang naging energizer ng TNT sa Game 4 ng PBA Philippine Cup Finals sa Bacolor, Pampanga.

Itinakbo ng Tropang Giga ang 106-89 win tungo sa 3-1 lead sa best-of-seven series.

Abot-kamay na ng flagship team ng MVP group ang sixth all-Pinoy crown, puwede nang sikwatin ang 8th overall title kapag muling dinispatsa ang Magnolia sa Game 5 ngayong alas-6:00 nang gabi.

SM food to go Banner Ad

Bali ang kaliwang hinliliit ni Rosario at bugbog ang likod sa Game 3 loss ng Tropang Giga noong Linggo, pero dumating at naglaro ang frontliner nitong Miyerkoles.

Sumipot sa Don Honorio Ventura State University gym si Rosario, may bandage ang daliri.

“Shoutout to Troy,” ani coach Chot Reyes sa postgame interview.

Nag-start muli ang big man at tumapos ng 5 points, 3 rebounds, 1 assist sa loob ng 19 minutes.

“I thought by him being there, the message of courage was going to rub off on his teamamtes,” dagdag ni Reyes, habol din ang 9th championship. “So really, great heart was shown by Troy here. And I think every one followed.”

Nahawa lahat, sa pangunguna ni Mikey Williams na nagsalansan ng team-high 26 points at 7 assists bagama’t may 6 turnovers sa araw ng 30th birthday. (Vladi Eduarte)