Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Superal babanat sa Japan Tour

NAGING bukas ang labanan para sa third restart ng Ladies Philippine Golf Tour dahil sa pag-atras ni multi-titled Princess Mary Superal sa P750K ICTSI Aoki Classic sa Eagle Ridge sa Gen. Trias, Cavite sa Nov. 2-4 upang sumabak sa Japan.

Aktuwal na nakatutok ang 24-aanyos na Caviteña sa third straight crown makaraang walisin ang Sherwood Hills at Eagle Ridge-Norman noong July bago natigil ang circuit dahil sa paglobo ng pandemya sa Metro Manila.

Aalis si Superal sa Nov. 5 nang matanggap ang Japanese visa para sa kanyang re-entry sa una sa tatlong qualifying tournament ng Ladies Professional Golf Association of Japan Tour at Step Up Tour sa Nov. 23-26 sa Gunma Prefecture, Mie Prefecture at Hyogo Prefecture paglabas ng quarantine. (Ramil Cruz)