logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Teenager lumabag sa traffic, huli pa sa droga

Buking ang nakatagong sachet ng shabu sa isang menor de edad na naunang inaresto dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa Dasmariñas City, Cavite.

Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang suspek na si alyas Kien, 16-anyos, ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo ng Dasmariñas City Police Station, alas-11:00 kamakalawa nang gabi nang magsagawa ng Oplan Sita ang mga kagawad ng Mobile Patrol Unit, Cavite PPO sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Pinara nila ang suspek habang minamaneho nito ang motorsiklong Sky Go dahil sa walang suot na helmet, walang headlight at walang plate number ang motorsiklo.

Imbes na huminto, pinaharurot nito ang kanyang motorsiklo pero hinabol siya ng mobile patrol na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nang kapkapan, nakuha sa kanyang pag-iingat ang sachet ng shabu. (Gene Adsuara)

All rights and copyright belongs to author:
Themes
ICO