Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Trabahador natabunan sa sariling hukay

Himalang nakaligtas ang isang lalaki nang mahulog ito at matabunan ng kanyang hinuhukay para sa tubigan, nitong Sabado sa bayan ng Malinao.

Kinilala ang biktimang si Tito Burabo Jr., taga-Barangay Baybay, Malinao, Albay.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malinao, ika-3:00 ng hapon, naghuhukay ang biktima kasama ang iba pang manggagawa para sa pagkakabitan ng water pump na pagkukunan ng tubig sa kanilang barangay nang maapakan ng biktima ang malambot na parte ng lupa dahilan para mahulog ito at matabunan.

Agad namang nagpasaklolo ang mga residente kung saan pahirapan ang pag-rescue at inabot pa ng 2-oras sa pagkakatabon ang biktima.

Mabilis na naisugod ang biktima sa pagamutan at ngayon ay ligtas na.