Philippines

Tugma si Ping sa hanap nila

Sa politika, pinakapinaniniwaalan ang interpretasyon at puna ng mga beterano kahit pa sabihing ang mga batang henerasyon ang napapansin ngayon dahil hindi naman sila masabayan ng mga mas nakakatanda pagdating sa kaalaman sa mga gamit na pang-internet.

Katulad lamang sa paghahanap ng mga katangian na dapat taglayin ng magiging susunod na Presidente ng bansa na tutugma sa kasalukuyang situwasyon na may klarong dalawang larawan- pandemya at korapsiyon.

Maging ang mga doktor na dati ay hindi naman gaanong naglalahad ng saloobin ay naglalabas na rin ng mga katangian na kanilang hinahanap sa mga maaaring pagpilian ng susunod na magiging Presidente ng bansa, isa na diyan ang dating adviser ng gobyerno sa COVID-19 response na si Dr. Anthony Leachon.

“The May 2022 election is different from all previous elections. We have only ONE chance to redeem ourselves. We can’t afford to commit a fatal mistake again! Choose leaders who are: 1. Honest 2.Competent 3. Inspiring 4. Forward looking 5. With Moral Courage,” yan ang sabi ni Dr. Leachon sa kanyang tweet.

Sa panig naman ng mga nagbabantay sa lahat ng ganap sa larangan ng politika gaya ni Winnie Monsod, nagsiwalat din siya ng mga katangian na dapat taglayin ng susunod na mamumuno sa bansa para daw mas madaling makatrabaho ng mamamayan.

“Ang dapat nating makatrabaho ay pinuno maayos mamahala at taglay ang walong katangian: laging may partisipasyon ang lahat, tumutupad sa pinagkasunduan, walang itinatago, tapat sa pananagutan, mabilis tumugon, epektibo at mabisa, pantay-pantay magtrato at may respeto sa batas. Ang mga ‘yan ang magpapahina sa korapsiyon, didinig sa mga tinig ng mga nasa panganib at agrabyado, at magsasama sa saloobin ng minorya bago magpasya. Ikaw na ba ‘yan?”

Ang mga pangungusap na ‘yan ay bahagi ng kolum ni Monsod.

Tatlo na ang deklaradong tatakbo sa pampanguluhang halalan pero kung ang mga katangian ‘yan ang pagbabatayan, isa lang sa tatlong ‘yan ang nagtataglay ng karamihan sa mga ito at siguro naman ay marami ang sasang-ayon kung sasabihin kong iyon ay si Ping Lacson.

Football news:

Sinisha Mikhailovich: Osimhen is an illiterate player in a good sense of the word
Pique to a gay player who has made a coming-out: The football world is lagging behind, and you are helping us move forward. Thank you
Juventus was offered to sign Witzel as a free agent in the summer
Vinicius was racially abused during the match with Barca. La Liga will inform the prosecutor's office
Kristoffer Ayer: According to the level of Liverpool's attack, it seems as if they don't notice some of the opponent's players
In Barca, they are dissatisfied with the game of Pique, Alba and Busquets. Some players may be sold after Koeman's dismissal
Messi and Mbappe missed PSG training before the match with Lille