Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jake malas sa girl: Try mo kaya sa boy

NI:BETH GELENA

Pinalagan ni Jake Cuenca ang basher na nagkomento sa kanyang socmed account na lalaki naman daw ang kanyang i-date o jowain dahil hindi siya swerte sa mga babae.

Hindi nagustuhan ng aktor ang komento kaya binweltahan niya ito.

Agad namang sumagot ang aktor, “Sa susunod mong troll account mag-post ka naman ng photo para pwede ka namin pagtawanan.”

Sumagot pa rin ang basher: “Boss wag galit agad hindi naman ako ng babash napansin ko lang kasi puro break ka lagi baka malay mo sa lalaki ka talaga lods.”

Ayon sa report kaya nagkomento ang basher ay dahil sa pinost ni Jake ng larawan nila ni Iza Calzado kung saan na-appreciate niya ang aktres.