Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nene dedbol sa bundol ng bus

Dead on arrival sa ospital ang isang nene nang mabundol ng pampasaherong bus habang tumatawid sa Davao City, nitong Biyernes.

Sa report ng pulisya, tumatawid ang bata sa pedestrian lane sa Quezon Boulevard nang salpukin ito

nang paparating na bus na minamaeho ni Ren Cereno Jr.

Agad namang hinila sa ilalim ng bus ang biktima ng mga nagrespondeng otoridad at sinubukan pang bigyan ng first aid ngunit binawian din ito ng buhay pagdating sa ospital.

Todo hingi naman ng tawad ang bus driver sa pamilya ng 9-anyos biktima at sinabing hindi umano niya nakita ang pagtawid ng bata.

Nakapiit na ang driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Dolly Cabreza)