Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kelot nilaslas braso, tigok

Natuluyan ang isang lalaki habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center matapos nitong laslasin ang kanan niyang braso kahapon sa Maynila.

Ayon kay PEMS John Chatles Duran, OIC ng Manila Police District-homicide section, nangyari ang insidente alas-diyes ng gabi nang makita ang 37-anyos na biktima na nagwawala at may sugat ang kanang braso.

SM food to go Banner Ad

“Pabayaan na ninyo ako, pagod na pagod na ako gusto ko ng mamatay,” litanya ng biktima habang hinihikayat ng mga pulis na dalhin sa pagamutan, na kalaunan ay pinuwersa na nila dahil sa seryoso ang ginawa nitong sugat sa braso.

Gayunman, alas-6:10 ng umaga nang ideklarang patay ang biktima dahil sa acute fatal arrhytmia. (Juliet de Loza-Cudia)