Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kyline nag-react sa ‘Diva’ comment ni Mariel 

Wala sanang pangalan o kung may nanghuhula man na baka ang Kapuso star na si Kyline Alcantara ang “Diva actress” na tinutukoy ng Kapuso artist din na si Mariel Pamintuan, lahat ‘yon ay ‘baka’, ‘hula’, ‘diumano’ lamang sana ng netizens.

Nakakagulat man, pero talagang marami ang nagulat nang mabasa nila sa isang TikTok upload ni Mariel na nag-comment si Kyline.

Ang isyu kasi rito, nag-upload si Mariel ng TikTok video niya kunsaan ay nagkuwento siya tungkol sa ‘Confessions of a Starlet’ at mga naging karanasan niya. Dito niya naikuwento rin kung paano ay nabu-bully siya at nasampal at namura sa isang eksenang totohanan.

Nagkasama recently sina Mariel at Kyline sa ‘Luv is: Love at First Read’ ng GMA-7. Kaya naman din siguro para sa ibang netizen ay naging madali na si Kyline ang naisip nila na baka tinutukoy ni Mariel.

Pero dahil hindi naman ito kinukumpirma ni Mariel at wala naman siyang pangalang binabanggit, mananatili na lang sana itong isang ‘blind item’. Kaso, nag-comment nga si Kyline sa isang post ni Mariel na, “P.S. ni-reshoot yung sampalan scene medyo nakaganti naman ako kahit paano. Hahaha.”

Ang naging comment ni Kyline rito, “Bakit di nyo po minention pangalan ko, madam mariel?” Pero hindi na ito mababasa sa TikTok ni Mariel dahil dinilete rin agad. ‘Yun nga lang, may mga naka-screenshot na.

Kahit kami, personally ay nagtaka at nagulat din kung bakit nag-comment si Kyline, huh!

Mukhang dahil din sa pangyayaring ito, sinundan ni Mariel ang TikTok series niya at sa part 3, wala pa rin itong binabanggit na pangalan, pero posible kayang sagot naman niya ito sa nangyaring pagko-comment ni Kyline?

Bahagi sa sinabi niya, “Ginagawa ko itong video na ‘to, kasi ayokong baguhin ‘yung truth ko, kasi alam mo naman ang ginawa mo. ‘Wag mo na lang sagutin kung hindi ikaw. Gano’n lang ‘yon kasi, showbiz naman ‘to, ‘di ba? So, laruin mo na lang din.”

Tila ipinagpalagay rin base sa mga comment sa X naman ni Kyline na mukhang may kinalaman pa rin sa TikTok ni Mariel at mga comment ng netizens ang naging post niya na, “Nakakatawa talaga people on the internet. Assuming a lot of different things. Hay.

“Anyway, have a great day ahead, my sunflowers!!!”

At dahil lumaki na ang isyu, may mga netizen o fans ni Kyline ang nagsasabi na dapat daw ay linisin ni Mariel ang pangalan ni Kyline kung hindi talaga ito ang tinutukoy. May nag-comment naman na dapat daw ay tanggalin na si Mariel bilang Kapuso. At karamihan, pinapayuhan ito na ‘wag na lang pansinin.

Pero, meron din na kay Mariel pumapanig at ang sabi, “Patolera ka talaga sa mga issue. Wala namang binabanggit yung Mariel. Bakit ka tumatahol? Aso ka? LOL.”