Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

16K balik-kayod sa NCR

May madadagdag na 16,000 trabaho linggo-linggo sa National Capital Region kung bumaba sa alert level 2 ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) kahapon.

Ang karagdagang trabaho ay makakadagdag ng P3.6 bilyon din sa ekonomiya kada linggo at mas malaki pa ang iaangat ng ekonomiya kung bumaba pa ito sa alert level 1.

Ayon sa NEDA, 43,000 trabaho naman ang madadagdag linggo-linggo sa ilalim ng alert level 1 at P10.3 bilyon ang karagdagang kita nito sa ekonomiya.

Nang binaba ang alert level sa NCR sa 4 mula sa 5 ay P93.7 bilyon ang nadagdag sa ekonomiya kada linggo at 395,000 ang nadagdag na trabaho. (Eileen Mencias)