Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Erik muntik manapak dahil kay Angeline

Na-high blood si Erik Santos sa manager ng isang restaurant na tinaasan ng boses ang kaibigan niyang si Angeline Quinto.

Pero bago pa man masapak ni Erik ang lalaki ay ni-reveal na ni Angeline na, “It’s a prank!”

Sa latest vlog ni Angeline titled ‘Intense Prank with Erik Santos’, talaga namang intense ang mga eksena na pati si Angeline mismo ay kinabahan sa sarili niyang prank.

Sa vlog ay mapapanood na naglaro sina Angeline and Erik ng ‘Date or Pass’ game habang kumakain sila sa isang restaurant sa Quezon City
Ang kaso, habang naglalaro sila ay panay ang pasok ng manager ng resto (na kasabwat) at sinisita sila sa malakas nilang boses, gayundin sa dala-dalang food ni Angeline mula sa labas dahil bawal daw ito.
Hindi nagustuhan ni Erik ang tono ng manager na tila binabastos daw si Angeline.

Unang hirit ng male singer sa restaurant manager, “It’s okay but you can say it in a nice way.”

Then, sey niya sa kaibigan, “Ge, hindi ako nagagalit ha, kilala mo ko, pero hello, bastusin ka sa harapan ko, hindi pwede sa ‘kin ‘yon.”

Hanggang sa dumating sa puntong pinalalabas na sila ng manager at kahit daw celebrities sila ay hindi raw nila pwedeng gawin ang gusto nila.

Napikon na si Erik at galit na sinabihan ang lalaki na hindi nito kailangang sumigaw.

“You’re raising your voice at us! You don’t do that!” galit na sabi ni Erik at niyaya na si Angeline na umalis.

At this point ay ni-reveal na nga ni Angeline na prank lang ito at kaaliw ang reaksyon ni Erik na hindi agad nakapagsalita.

Niyakap ni Angeline si Erik at panay ang hingi niya ng sorry.

Sabi ni Angeline, “Kinakabahan na ako kanina pa, sabi ko, parang sasapakin na ni Erik Santos ‘yung manager. Hindi ko kaya, ninenerbyos ako.”

Pero sa kabila nito, proud naman ang diva kay Erik bilang kaibigan.

“Nakita n’yo naman mga ka-Twinkle kung paano ‘yung concern ni Erik sa ‘kin,” ani Angeline.

‘Yun na!