Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

3 NPA dedo sa engkwentro

Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawang malalakas na kalibre ng baril ang nasamsam sa naganap na engkwentro kontra tropa ng militar kahapon sa boundary ng barangay Cagay at Danao sa bayan ng Leon, Iloilo.

Base sa ulat na ipinadala ni Lt. Col. Jay Javines, hepe ng 3rd Division Public Affairs Office ng Philippine Army, naganap ang engkwentro alas-10:20 ng umaga matapos rumesponde ang tropa ng mga sundalo hinggil sa ulat ng presensya ng armadong grupo ng NPA Sibat Platoon, Southern Front, Komiteng Rehiyon Panay na nangingikil ng revolutionary tax sa mga residente.

Nang abutan sa lugar ay nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng tatlo sa mga suspek na iniwan ng mga kasamahan.

Nakakuha din ng dalawang M16 rifles ang mga sundalo na pag-aari ng mga nasawing terorista gayundin ang mga subersibong dokumento ng Samahan. (Edwin Balasa)