Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Angat ang ganda: Francine takot maging beauty queen

Maituturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon si Francine Diaz. Sobrang sweet ng dating, na pangbida talaga ang rehistro ng kanyang kagandahan.

Natutuwa si Francie na marami ang pumupuri sa kanyang ganda.

“Ang glowing ko raw kahit nagpupuyat ako!” chika ni Francine.

“Sobrang dami ng blessing ko ngayon, salamat sa mga supporter ko na palaging nandiyan sa akin,” saad niya.

May mga nagsasabi nga kay Francine na subukan niyang sumali, o maghanda sa mga beauty pageant. Kering-keri nga raw niya ang maging beauty queen.

“Salamat po. Actually nakikita nila sa akin, na parang sina-suggest nila na sumali sa mga pageant. Natutuwa po ako na sinasabi nila sa akin `yon, pero I don’t think kasi na it’s for me.

“Siyempre kung sasali po ako sa mga pageant, halimbawa sa Miss Universe, hindi lang sarili ko pinapakita ko, kundi dnadala ko ang buong Pilipinas. Pero, I don’t think it’s for me,” sabi ni Francine.

Anyway, si Francine nga ang isa sa mga pinaka-indemand na batang aktres ngayon, at pinakamabenta sa mga beauty product, tulad ng Dr. Alvin Skin Care Products (Rejuvenating Set).

Nananatiling totoo sa slogan na “Gandang Angat, Gandang Dr. Alvin”, ang brand na isinunod ang pangalan sa founder nitong si Dr. Alvin Matulac ay pinili ang isa sa mga bida ng teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” bilang bagong mukha dahil nababagay nababagay dito ang kanyang personalidad at karakter.

“Perfect ‘face’ for our brand si Francine. Maganda, confident at vibrant young lady. Bukod sa mga pisikal na katangian, nagustuhan namin na maganda ang ugali at meron nito si Francine. Palagi siyang magalang, masipag at mabait. At isa pa, palagi siyang nakangiti,” sabi ni Dr. Alvin.

“At bilang napakarami niyang taga-sunod sa iba’t-ibang social media platform, makapagbibigay siya ng inspirasyon at sigasig sa kanyang mga tagahanga sa kanyang lifestyle at mga produkto na ginagamit at mapaninindigan niya ang kampanya para sa Dr. Alvin skincare products,” dagdag ng founder.

Sinasalamin ng paglulunsad kay Francine bilang bagong endorser at ng Dr. Alvin Rejuvinating Set ang pagbangon ng mismong brand sa krisis sa kalusugan at kung paano nakasabay sa tinatawag na “new normal” dahil nakapagbukas rin ito ng maraming oprtunidad.

“Sadyang naapektuhan ng pandemya ang paraan ng mga mamimili sa paggastos, dahilan para baguhin nila ang mga nakaugalian na at mag-adapt sa panahon. Hindi yan naiiba sa pangangalaga ng kutis at sa buong industriya ng skin care; hinaharap natin ang restrictions kasunod ng mga lockdown, limitadong bilang ng mga tao lamang ang pwedeng pumasok sa mga establisyimyento na nakakapagbukas.”

“Nang magkaroon ng mga lockdown sa bansa, at pagsasara ng mga Negosyo, umisip kami ng paraan kung paano makakatulong sa mga tao na nawalan ng trabaho at kung paano sila kikita. Tinuruan naming sila na mag-online business at kung paano magbenta ng ligtas, de kalidad, at abot-kaya mga dermatologically-tested at FDA-approved na produkto,” saad niya.

Sa mga interesado, makipag-ugnayan lang sa Dr. Alvin Main Page sa Facebook, @dralvinmainpage sa Instagram. O tumawag sa 8371-2510. (Dondon Sermino)