Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bato hindi takot sa ICC

Binigyang-diin ni presidential aspirant Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi siya natatakot sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war sa Pilipinas.

Ikinumpara pa niya ang kanyang sarili at ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘David’ na haharap sa ‘Goliath’ na walang iba kundi ang ICC.

“Hindi naman ibig sabihin ‘pag concerned ka, admission of guilt kaagad ‘yan. Concerned lang tayo dahil bago ito, ibang klaseng korte itong haharapin natin at we know we’re facing a Goliath. David lang tayo, napaka-Goliath ‘yong haharapin natin,” sabi ni Dela Rosa sa panayam sa radyo.

Kung mahalal bilang susunod na pangulo ng bansa, sinabi ni Dela Rosa na papayagan niya ang ICC na pumasok sa bansa para obserbahan ang peace and order sa Pilipinas ngunit hindi para mag-imbestiga. (Dindo Matining)