Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bitin mga yakman: Pia balot ang alindog sa Saudi

Bitin na bitin ang mga boylet sa mga bagong Instagram post ni Pia Wurtzbach.

Palagi kasi, kapag naga-abroad si Pia, ang mga sexy photo nito ang inaabangan ng mga yakman. Kasi nga, mahilig si Pia sa mga beach, na dinadayo talaga niya ang magagandang dagat sa iba’t ibang panig ng mundo, suot ang kanyang sexy bikini.

Pero dahil nasa Kingdom of Saudi Arabia siya ngayon, minabuti ni Pia na balutin ang kanyang alindog. At `yun nga, super bitin ang mga male follower niya sa IG.

“Sabah alkhayr! It’s my first time to visit and I’m really happy to be here. My first day in KSA looked like this,” sabi ni Pia, na balot na balot nga siya ng itim na tela, mula ulo, hanggang paa, o ang tinatawag nilang ‘abaya’ o ‘hijab’.

Pero siyempre, kahit mukha lang ang nakikita sa kanya, gandang-ganda pa rin sa kanya ang mga netizen, kahit `yung mga nakatira mismo sa Saudi Arabia.

“Ganda kahit walang make up.”

“You look so beautiful with Hijab.”

Pero ayon nga kay itsmhecocolove, “That’s nice… welcome sa KSA…. well the ‘abaya’ for women is not mandatory nowadays @piawurtzbach you will notice it by now… they emphasize though decent and not revealing clothes… Hope you enjoy the visit.”

“@itsmhecocolove thank you!! Yes I did receive messages that I don’t need to wear them anymore but I also noticed that, at least in the places I went to on my first day, most women were wearing one, some in different colors too. I really don’t mind anyway I think it’s beautiful! Mashallah,” sabi ni Pia.

Well, ang mahalaga nga, nagbibigay ng respeto si Pia sa mga lugar na pinupuntahan niya… (Dondon Sermino)