Philippines

Covid test bilisan para iwas suicide

Nagpahayag ng pag-aalala si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa kalagayan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nakabalik na sa bansa subalit naghihintay pa rin ng resulta ng COVID-19 test sa kanila.

Reklamo ng mga OFW, mabagal ang proseso ng COVID-test sa kanila kung kaya’t matagal silang nananatili sa mga quarantine facility.

Obligado kasi ang mga OFW na pagdating sa bansa ay sumailalim sa 14 araw na quarantine. Subalit nagrereklamo na ang marami sa kanila dahil sobra-sobra na diumano sa 14 na araw ang kanilang pananatili sa mga quarantine facility ng gobyerno.

Sa Laging Handa public briefing Sabado ng tanghali, sinabi ni Bello na sa kanilang pulong noong Biyernes ay kanyang iginiit na dapat magkaroon ng “definite period” o “timeline” ang pananatili ng mga OFW sa quarantine facility.

Sinabi nito na maraming nakakarating na impormasyon sa kanya na may mga OFW ang inaabot ng 25 araw naka-quarantine pa rin.

Binanggit pa nito na may insidente pa aniya kung saan nagpakamatay na ang isang OFW habang naka-quarantine.

“Marami nakakarating sa akin, 25 days na sila nandun pa sila. Mayroon nga na incident nagpakamatay eh,” pahayag ni Bello.

“The mandatory quarantine period is only 14 days,” sabi pa ng kalihim.

Football news:

Former Orenburg coach Yemelyanov: I Don't believe that the club is on the verge of bankruptcy
Tonali wants to move to Inter. The club is in talks with Brescia
Nikita Kashaev: When Swedes learn about the statistics of coronavirus in Russia, their eyes pop out
Besiktas players got down on one knee, forming the initials of George Floyd
RB Leipzig considers Rasetsu as a replacement for Werner
Director of Bayer: the Future of Havertz has not yet been determined
Arsenal is ready to pay 25 million euros for 19-year-old Feyenoord midfielder Kekcu