Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Diaz engagement ring base sa weightlifting

NAPA-WOW ang mga netizen sa weightlifting-inspired engagement ring ni 2020+1 Tokyo Olympics women’s 55-kilogram category gold medalist Hidilyn Diaz.

Inanunsyo nitong Sabado ng 30-year-old, 4-foot-11 Zamboanga City native ang kanyang engagement kay coach Julius Irvin Naranjo ng Guam.

Ibinahagi ng Manila Diamond Studio sa Instagram ang kanilang inspirasyon sa singsing na may barbell-shaped design at diamond stone.

“Philippine first Olympic gold medalist, Hidilyn Diaz’s engagement ring, was inspired by @hidilyndiaz ‘s love, strength, and passian. In collaboration with coach @imjulius, we brought life to what could be the perfect ring for her. Another gold for our champ!” caption ng MDS.

Ipinahayag naman ng sundalong barbelista sa kanyang Facebook account ang plinanong proposal sa kanya ni Naranjo.

“May birthday daw kaya nasa Bubble Dinner kami rito sa @sheratonmanila kaya triple date kami ni @missizacalzado at @laraquigaman saka may despidida party raw before kami aalis ng Malasyia kaya naman nag-vlog pa ko, nagpa-picture, at nagpa-cute pa ko. ‘Yun pala magpo-propose na!” sey ni Diaz.

Samantala, balik Malaysia sina Diaz at Naranjo upang magsagawa ng private training bilang paghahanda sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa Disyembre 7-17 sa Tashkent. (Janiel Abby Toralba)