Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Diaz iingatan ‘kayamanan’

BATID ni 2020 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na hindi panghabangbuhay ang pagiging atleta kaya naman pag-iingatan nito ang kanyang mga nakamit na pera mula rito.

Sa isang press conference kasama ang BDO Unibank, ibinahagi ng 30-year-old weightlifter ang kanyang plano para mga natanggap sa cash rewards at hinihimok ang mga atleta na maging wais.

“Para sa akin, mag-ipon tayo kasi hindi tayo forever na atleta. Suwerte na lang magtagal tayo,” saad ni Diaz magsisilbi bilang isa sa BDO ambassador. “Hindi ba may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, pero huwag tayong ganoon.”

Ayon kay Diaz, 90 porsyento ng kanyang cash incentives ay ipapasok nito sa bangko habang binabalak rin nito magkaroon ng negosyo sa hinaharap. (Janiel Abby Toralba)