Philippines

Duterte umusok sa IBP na kumontra sa vape ban

Nakatikim ng matinding batikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) dahil sa komento nito laban sa inutos niyang pagbabawal sa paggamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.

“E walang alam e. Itong IBP, anong bar exam ba itong mga u*** na ito,” sabi ng Pangulo nang magsalita sa inagurasyon ng 10-5 megawatt coal-fired power plant Phase 2 ng Sarangani Energy Corporation nitong Biyernes.

Nauna rito ay iniha­yag ni IBP national presi­dent Domingo Cayosa na puwedeng hamunin sa korte ang kautusan ni Pangulong Duterte laban sa paggamit ng vape.

Matatandaang nitong nakalipas na araw ay inutos ng Pangulo ang pagbabawal sa paggamit ng vape o e-cigarette at ipinaaaresto ang mga ito kapag ginagawa sa pampublikong lugar.

“Do not listen to those lawyers. Bugok­ lang sila,” sabi ng ­Pangulo.
“I do not have to issue an EO, paka-bobo naman nitong mga g**** ito na meron nang law on nicotine,” ayon pa sa Pangulo. (Prince Golez)