Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Dwight ginanahan sa unang panalo

NABUHAYAN ng dugo.

Ngayong natikman na ni Pinoy import Dwight Ramos ang unang panalo sa Japan B.League, asam nitong magtutuloy-tuloy na ang maganda niyang karera.

Nitong Miyerkoles lang kasi ay nasungkit na rin ni Gilas cager Ramos at koponan niyang Toyama Grouses ang tamis ng tagumpay sa liga sa loob ng siyam na laro.

“I think it was just a good win today,” mapagpakumbabang sey ni Ramos na itinanghal na Best Player of the Game matapos pangunahan ang Toyama sa kinulektang 20 points, 6 rebounds, 3 assists at 1 steal.

“We’re going to get back to practice and hopefully we can get on a winning streak instead of a losing streak,” positibong pahayag pa nito.

Sa mga susunod na linggo ay biyahe na sa iba’t ibang lungsod ng Japan si 23-anyos Dwight para sa kanilang road games. (Aivan Episcope)