Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Gerald dedma kay Julia

Ibinahagi ni Gerald Anderson ang kanyang karanasan sa kanyang out-of-the country trip sa Hungary kasama ang kanyang dad at mga kaibigang sina Fred at Jalai.

Ani Gerald, na-miss daw niya ang pagta-travel simula nang magkaroon ng pandemic.

Business and leisure ang purpose ng travel niya dahil may pelikula siyang gagawin sa Europa na hindi niya idinisclose ang detalye.

Pagkatapos na mag-check in sa kanilang hotel, nagliwaliw na agad ang grupo sa siyudad.

Sobrang na-appreciate ni Gerald ang istruktura ng church, museum, park at university na napasyalan nila sa Bucharest.

Masaya rin niyang ibinalita na malaya nang nakakakagala na ang mga mamamayan ng nasabing European country na walang face mask.

Sinuyod din nila ang marketplace ng nabanggit na lungsod.

All throughout sa kanilang pamamasyal, nag-enjoy naman ang apat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mga komento sa kanyang vlog, may mga faney namang nagtatanong kung bakit hindi nito kasama ang girlfriend na si Julia Barretto.

May ilang mahadera namang nang-intriga na tila hindi nito na-miss ang nobya .Ni pagbati ay hindi nito ginawa kay Julia. Dedma raw siya sa dyowa.

Hirit naman ng ilan, vlog daw naman ito ni Ge. Baka gusto lang niyang i-share ang ilang impormasyon sa nabanggit na European country na hindi nagmumukhang baduy o cheesy.

Xian tatapatan si Matteo

Pokus muna ngayon si Xian Lim sa paggawa ng iba’t-ibang content sa kanyang vlog. Ito’y dahil on hold muna ang kanyang teleseryeng ‘Love. Die. Repeat’. Matatandaang nagkaroon ng medical emergency ang kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado.

Kaya naman kung may mga katanungan daw ang kanyang mga faney ay malaya silang magpadala ng ang kanilang questions at sasalain niya ito para sagutin.

May mga nang-iintriga ring bet daw nitong kumpetensiyahin bilang podcaster ang kapwa Viva artist na si Matteo Guidicelli na may sariling Mattruns.

May mga netizen naman ang nagsabing mas may K itong mag-podcast kay Matteo dahil sa ipinakita nitong galing sa pagho-host ng nakaraang Ms.World Philippines 2021.