logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Inutang na kotse binenta

Good day po Atty. Claire:

May nabasa lang po ako sa column niyo sa Abante online kasi nagse-search ako tungkol sa kaso ‘pag ‘di nakabayad ng car loan.

Meron po sa inyo na nagtanong doon na pinagpasa-pasahan na ang sasakyan niya dahil binenta. Halos pareho po kami ng nangyari pero ang kaibahan lang po sa akin ay pinahiram ko lang then binenta na ng kababata ko.

Pinasa niya sa ibang tao tapos ‘di niya alam na sindikato pala ‘yung binentahan. Wala na ang sasakyan.

Ngayon po nag-file na po ako ng reklamo at nag-hearing na kami sa fiscal.

Sa bangko po, ano po ang mangyayari ‘pag kinasuhan ka ng bangko ng civil case?

Seaman din po ako. Hindi ba nila ako paaalisin o pauuwin ba nila ako sakaling nasa barko ako? Willing naman po ako magbayad pero need ko pa ng 3 months para mabayaran lahat.

Ano-ano po kaya ang mangyayari at puwedeng magawa?

Salamat po,
Michael

Mr. Michael:

Kahit kasi in good faith ang anumang transaksyon na ginawa mo pero kayo ang naloko ay hindi na sagutin iyon ng bangko at talagang kailangan na bayaran ninyo ang natitirang obligasyon ninyo.

Una mong gawin ay makipag-ugnayan sa bangko at ipaalam ang nangyari at sabihin ang balak na restructuring of loan upang mapahaba ang panahon ng pagbabayad. Ipaalam na babayaran mo pa rin ang lahat ngunit nagkataon lamang na kulang ka na sa cash at kulang ang panahon dahil sa naloko ka nu’ng buyer ninyo.

Hindi ka naman nila mapipigilan na makalabas ng bansa dahil isang civil case lamang ang maisasampa sa mga ‘di nakakabayad ng loan at hindi criminal case. Walang nakukulong sa utang maliban lamang kung may kasama itong panloloko o kaya ay may ginamit na device tulad ng credit card, etc.

Kung may insurance ang sasakyan ay baka makatulong ito kung sakop ang theft sa co­verage ng car insurance.

***

Kung may katanungan ay tumawag lamang sa 4107624/9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Themes
ICO