Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ivana damay sa isyu nina Julia, Dennis

NI:ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog noon, sinabi ni Ivana Alawi na isa sa kanyang mga natutunan sa kanyang namayapang ama ay ang pagiging makatao at mapagkumbaba.

Sa testimonya kasi ng mga taong nakakakilala sa kanyang Moroccan father na si Samier Al-Alawi noong nabubuhay pa ito, touched siya sa mga kuwento ng pagiging bukas-palad nito sa mga nangangailangan.

Bukod sa pagiging good provider, iminulat din daw sila nito sa tunay na kahulugan ng pagpupunyagi sa buhay: na anumang gusto mong makamit ay kailangan mong pagtrabahuhan.

Aniya, isa raw sa regrets niya ay hindi siya nagkaroon ng sapat ng panahon na makasama ito noong buhay pa ito.

Ito rin ang naging payo ni Ivana sa mga anak na huwag ipagwawalang-bahala ang kanilang mga magulang habang sila ay buhay pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinost naman ni Dennis Padilla ang payo ni Ivana at ibinahagi ito sa kanyang Instagram account.

Caption ng post : “Advice ko sa inyo, habang buhay ang parents nyo o may kaaway kayo, wag nyo na hintayin na mawala yung tao. Just always forgive and love that person and give time.”

Dahil dito, may mga mahaderang kibitzers na nagsabing sapol daw si Julia sa advice ni Ivana.

Hindi pa rin kasi natutuldukan ang isyung may conflict pa rin si Dennis sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.

Hirit naman ng ilan, dedma lang daw si Julia sa nasabing post lalo pa’t hindi naman niya pina-follow si Ivana na ngayon ay inili-link sa kanyang ex na si Joshua Garcia.

Gayunpaman, sigurado raw na nakarating na sa kaalaman ni Julia ang pasaring ng ama sa kanilang magkakapatid kaya expect daw na muling maba-bash ang mga ito ng netizens.

Pagtatanggol naman ng ilan, sana raw ay hindi na nagparinig ang komedyante sa kanyang mga anak. iresolba na lang nito ang kanilang di pagkakaunawaan sa pamilya.