Philippines

Kapalmuks sa PhilHealth

Dahil sa naglabasang alingasngas na naman ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth mga tropapips, naalala ng mga kurimaw nating takot ngayong maospital ang markadong linya sa isang talumpati noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino: “Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?”

Nang sabihin ni ex-PNoy ang naturang linya na bahagi ng talumpati niya sa isa sa kaniyang mga State of Nation Address o SONA, ang mga opisyal ng Bureau of Customs ang kaniyang pinapatamaan dahil din sa isyu rin ng katiwalian.

Ngayon, mas matindi pa kung tutuusin ang kakapalan ng mukha ng mga opisyal ng PhilHealth kung totoo ang mga naglalabasan na namang katiwalian sa ahensiya. Mantakin nyo mga tropapips, kasama ang pinagpagurang kontribusyon ng mga karaniwang manggagawa na miyembro ng PhilHealth ang kanilang ibinubulsa.

Bukod sa kontribusyon kasi ng mga miyembro, mayroon ding ambag na pondong inilalagay dito ang Kongreso at maging ang gobyerno sa paraan ng sin tax. Ngunit kumpara sa kabulastugan sa BOC na karaniwang mga puslit na produkto (kung minsan droga) ang pinagkukunan nila ng delihensiya, aba’y sa PhilHealth eh bukod sa pinagpagurang kontribusyon ng mga manggagawa na kinakaltas sa sahod, kasama din ang usapin ng kalusugan.

Maraming pasyente kasi ang umaasa sa pondo ng PhilHealth para makapagpagamot sila. Ang ibang miyembro, hindi na minamasama na hindi nila magamit ang PhilHealth nila dahil mahirap nga naman ang magkasakit.

Ibig sabihin, kahit buwan-buwan na nalalagasan sila ng sahod, ok lang basta ‘wag lang magkasakit.

Ang “masuwerte” ay iyong mga mahihirap na libreng nagiging miyembro ng PhilHealth dahil kapag nagkasakit sila ay masasalo ang gastusin nila sa ospital kahit hindi sila naghuhulog ng kontribusyon. Katunayan, pinalawak pa nga ito mga tsopapips dahil sa inaprubahang Universal Health Law. At kasama sa naturang batas ang dagdag-taas sa kontribusyon na isinasama pa nga ang mga OFW.

Ang masaklap, panay ang hirit ng mga taga-PhilHealth ng taas-kontribusyon para tumagal daw ang buhay ng ahensiya. Tapos pinayagan naman ng mga mambabatas at gobyerno pero ang nangyayari pala eh napupunta lang sa bulsa ng mga kurakot na opisyal ang pera. Aba’y umaabot nga raw sa P10 bilyon hanggang P15 bilyon ang pondo nasayang sa kabulastugan.

Ang tanong ng mga kurimaw natin, may mangyari naman kaya ngayon na reporma? Baka kasi katulad din ito ng mga nagdaang pagsisiwalat sa kalokohan sa PhilHelth gaya ng operasyon ng catarata ng mga matatanda at dialysis na sumipsip din sa pondo ng ahesiya. Tatahimik sandali at pagkaraan ng ilang buwan ay balik na uli sa pangungurakop ang mga kapalmuks na opisyal.
Samantala mga tropapips, nagulantang ang mga kurimaw nating takot sa paputok nang maibalita ang pagsabog na naganap sa port area sa Beirut, Lebanon. Noong una, aakalain mong binomba ang lugar dahil sa lawak ng pinsalang dulot ng tinatawag na “shockwave” o yung pagyanig.

Pero lumilitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na hindi bomba ang sumabog kung hindi imbakan daw ng tone-toneladang ammonium nitrate na puwedeng gamiting pataba sa lupa at maging sa paputok, at maging sa paggawa ng dinamita.

Hindi biro mga tropapips ang lawak ng pinsala ng pagsabog na naganap sa Beirut na mahigit 100 katao ang nasawi at libu-libo ang nasugatan, at maraming ari-arian ang nawasak. Aba’y talagang ayaw pa ring paawat ng 2020 sa mga shocking na nagaganap sa mundo.

Ang tanong, matuto kaya ng leksiyon ang gobyerno natin at mga negosyanteng nag-iingat o nagtatago rin ng ammonium nitrate, o kung ano pa mang sangkap na panggawa ng paputok o pampasabog? Aba’y ilang matitinding pagsabog na rin ang nangyari sa Bulacan at maging sa Cavite noon na pagawaan ng paputok.

Kahit busy tayo sa COVID-19, hindi siguro masamang magpaalala ang gobyerno tungkol sa leksyon na nangyari sa Beirut. Mahirap na, baka may nagtatago ng mga ammonium nitrate o pulbura na gagamitin sa paggawa ng paputok para sa bagong taon na biglang maburyong dahil sa tagal ng lockdown sa atin.

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Football news:

We have found a club in the Bundesliga that will prevent Bayern from becoming Champions. More precisely, it was put together by the Players from Dortmund and Leipzig, the management from Gladbach, the sponsor from Hertha
Bruno is the best player of the season at Manchester United according to the fans. It came in January
The team with the sponsor sperm Accelerator played in the Europa League. And this is just one of the 15 logos on the t-shirt
Pochettino on the words about Barca and the farm: I spoke with irony and probably went too far. What is said is said
Mauricio Pochettino: To lead Real Madrid is my dream. I was contacted by Benfica and Monaco
Steaua and Serbia's Backa Topola played 6:6 in the Europa League. For the first time in the history of European competitions, both teams scored 5+
B-36, Senderyuske and Kolos from the village of Kovalevka. These teams, unlike Dynamo, reached the next round of the Europa League