Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Mag-asawa bistado sa passport scam

Ni Nancy Carvajal

Sa isang entrapment operation, dinakip ng National Bureau of In­vestigation (NBI) ang isang husband and wife team na umano’y sang­kot sa online na ben­tahan ng ‘non-appearance services’ ng mga government-required na dokumento, gaya na lang ng pasaporte, driver’s license, postal record at NBI clearance.

Nag-ugat ang operasyon ng NBI-Cybercrime Division laban kina Maryanne at Melvin Bra­ga ng Muntinlupa City sa hiling na imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa mga lumitaw na pe­keng DFA appointment date ng mga biktima na nagsabing natiyak nila nang libre ang kanilang slot sa pamamagitan ng social media.

Gamit ang pekeng Facebook account, luma­hok ang NBI sa FB post ni Braga na nag-aalok ng non-appearance sa pagkuha ng mga government service, tulad na lang ng passport as­sistance, NBI clearance non-appearance, Postal original ID at driver’s li­cense non-appearance.

“It’s a scam. The vic­tims never received a passport and the sup­posed appointment was non-existent,” ayon kay NBI-CCD deputy chief lawyer Michelle Valdez.

SM food to go Banner Ad

Humingi si Braga ng P2,900 bilang bayad sa ‘non-appearance pass­port at free shipping’ kada passport package matapos magpasagot ng form para sa ‘personal na impormasyon ng kli­yente’ na umano’y gaga­mitin sa pag-facilitate ng dokumento.

Nagkasundo ang undercover NBI agent na nagpanggap bilang passport applicant at si Braga na tanggapin ang bayad na cash sa pama­magitan ng isang third-party courier.

Nagpanggap ang isa pang ahente na courier ng kilalang kompanya, at dineliber ang bayad kay Maryanne sa isang tinakdang lugar sa Muntinlupa.

Unang inaresto ng NBI si Melvin, at si Maryanne na tumang­gap ng bayad. Lumi­taw sa mga nakalap na ebidensya mula sa mag-asawa ang kanilang koneksiyon sa nasabing online scam.

Kinasuhan ang mag-asawa ng Anti-Red Tape Act at Cybercrime Pre­vention Act na may pa­rusang pagkakakulong nang hindi bababa sa anim na taon.

Samantala, nagba­bala si Valdez sa publiko na huwag patulan ang mga social media post na nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo.