Philippines

Magtira para sa mahihirap – Yap

Hinimok ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang lahat ng tatakbo sa darating na halalan na magtira kahit konting pondo sa kanilang campaign para sa mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Cong. Yap, “sa dami ng tatakbo sa 2022, mula pangulo hanggang konsehal, tiyak makakalikom ng malaking pera para sa mga mahihirap na kababayan o constituents.”.

“Magtabi lang ng isa o ilang libo bawat politiko, sigurado ako, milyon ang malilikom na pondo”, dagdag ng mambabatas.

Aniya, ang pagtulong kasi sa mahihirap na kababayan ay hindi lang tuwing eleksyon kundi ay all year round lalong lalo na yung mga salat talaga sa buhay.

“Hindi naman siguro kabigatan ang isa o dalawang libong piso na ibabawas mo sa campaign fund mo para itulong sa kapwa?” dagdag pa ni Yap.

Kilala ang ACT CIS na tumutulong sa mga mahihirap at mga nasalanta ng bagyo.

Ngayong pandemya, pati local government units ay pinadalhan na rin nila ng tulong ng mag-lockdown ang National Capital Region (NCR).

Football news:

Vinicius was racially abused during the match with Barca. La Liga will inform the prosecutor's office
Kristoffer Ayer: According to the level of Liverpool's attack, it seems as if they don't notice some of the opponent's players
In Barca, they are dissatisfied with the game of Pique, Alba and Busquets. Some players may be sold after Koeman's dismissal
Messi and Mbappe missed PSG training before the match with Lille
Merson on Sulscher: Anyone else would have been fired by now. He is as lucky as a coach can be
Ancelotti on Koeman's dismissal: It's part of our job. This has happened to me many times
Barcelona wants to get rid of Luc de Jong in the winter. They don't count on him after Koeman's dismissal