Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Malixi pang-9 sa opening

Nalimitahan ni Rianne Mikhaela Malixi ang mga mistake tungo sa pagkartada ng two-over par 74 sa pagsisimula ng PXG Women’s Match Play Championship sa King & Bear course ng World Golf Village sa St. Augustine, Florida Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Sumalo ang 14-anyos na Pinay na suportado ng ICTSI at sumasabak sa una niyang pro event, sa pangsiyam na puwesto kasama sina American Madison Moosa, Sky Sudberry, Jean Reynolds, Yoonhee Kim, Erikah Neger at Payton Schanen.

Pumalo naman sina Mexican Sofia Garcia at US bet Jessica Porvasnik ng parehong 68 para magtabla sa liderato, dalawang hampas ang agwat sa mga Amerikanang sina Julie Ju at Sarah Rhee.

“Since this is my first outing with the pros, I was a bit tense, so I would relax my mind to have better result in the next round,” ani Malixi, na target mag-Top 64 tapos ng 54 hole para umabante sa match play sa Slammer & Squire course sa Nov. 1. (Ramil Cruz)