Philippines

Mitra nais mapabawi ang mga sabungero

Habang tumatagal ang pandemya dumamarami ang umaaray na breeders at mga sabungero sa ‘Pinas.

Kaya naman isa sa nais ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra, ilarga ang sabong sa mga low risk na lugar upang makabangong bahagya ang sport.

Pero kailangan aniya na zero audience muna para hindi magkahawaan sa sabungan ng coronavirus disease. Bilang health protocol, wala muna ring trabisiya.

“Ang proposal ko sana, kung pupuwedeng payagan na ang sabong na zero audience sa mga lugar na low risk, ” pahayag ni Mitra nang makipagkuwentuhan sa Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” nitong Linggo ng hapon.

Naniniwala ang ibang sabungero na malaki ang maitutulong ng sabong sa ekonomiya kung papayagan na, maging sila ay giginhawa dahil maraming puwedeng pagkakitaan sa sabungan.

Magandang balita para sa mga sabungero, dahil ayon pa sa sports official, nagugustuhan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease ang kanyang paliwanag.

Kaiba man sa regular cockfighting dahil walang miron, ang mahalaga’y payagan munang unti-unting maibalik ang mga bakbakan.

Football news:

Suarez wept as he left the Barca base. He said goodbye to the team's players
Barcelona will try to hire defender Athletic Nunes if Garcia's transfer fails
Havertz scored the first goal for Chelsea
Di Maria suspended for 4 matches for spitting in the direction of Alvaro Gonzalez
Each Real Madrid player refused a bonus of 1 million euros. This is a serious help - it will be easier for the club to survive the crisis
Rashford to the mayor of London: I do everything for Liverpool as much as I do everywhere else. It's more football and politics
Neuer on Goetz: I think Mario can flourish in Bayern, he's in good shape