Philippines

Muntik sumuko!

FRST first timer JUN NARDO

PINASOK na rin ni Nora Aunor ang online acting sa ginawang monovlog bilang handog niya sa fans at sup­porters sa 67th birthday niya last May 21.

Ipinamalas muli ni Ate Guy ang husay sa pag-arte sa proyektong pinamagatang “Lola Doc.”

Tungkol ito sa isang lolang frontliner na kinakausap ang mga mahal sa buhay sa pa­mamagitan ng series ng vid­eos online.

NORA Aunor (FB)

NORA Aunor (FB)

Matinding karanasan ito para sa Superstar na umamin na halos sumuko siya, huh!

Pahayag ni Nora, “Noong ginagawa ko ito parang gusto ko nang sumuko. Talagang hi­rap na hirap po ako talaga.

“Iba po pala talaga ‘yung gumagawa ka ng eksena na wala kang kausap. Para kang luko-luko na kinakausap mo, wala!”

Sa Facebook page ng Tan­ghalang Pilipino napanood at mapapanood pa ang “Lola Doc.”

Alternative space ito para magdaos ng pagtatanghal habang nasa ila­lim pa ng modi­fied enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Well, at least, nakapagpati­kim muli si Nora ng kanyang de kalidad na pag-arte.

Swak ito da­hil wala pa rin ngang katiya­kan kung kailan muling ma­papanood ang Kapuso series niyang “Bilangin Ang Bituin sa Langit.”

comments

Football news:

Gil about Adama Traore: this is a phenomenon. He is the fastest player in the world
Milan is Interested in the midfielder of the national team of Ireland Hendrik. He can leave Burnley as a free agent
Shirokov's concert in the Comment.Show: called Yakin a pure asshole, remembered the fight with Glushakov and quarrels over the Hulk and Witzel
Jon Flanagan: Trent is the best right-back in the world, but will end up playing in the Liverpool midfield
Kike Setien: the five-substitution Rule will hurt Barcelona
Riyad Marez: Now is the time for Manchester City to win the Champions League. We have everything for this
Havertz became The Bundesliga's all-time leading under-21 goalscorer