Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nadine ‘namanhikan’ na ang dyowa

Duguan, luhaan at tuliro ang mga JaDine fanatic matapos bumuluga sa social media ang isang larawan ni Nadine Lustre.

Napa-juice colored silang mga hindi pa nalulupig ang pag-asa. Kasi nga, ang babaing may lust sa apelyido, si Lustre kasama ang dyowa nitong si Christophe Bariou at ang tatay niya sa larawan.

Wow! Meet the parents special na ito!Seryosohan talaga ang relasyon dahil ipinakilala na sa magulang. Pamamanhikan na nga bang matatawag ang pangyayaring ito? At sooner than soon na nga kaya ang here comes the bride, all dress in white moment ni Nadine? Ang tamis-tamis naman.

At ang isa pang nuknukan ang paging matamis, ang mga ngiti sa mukha nila.Kitang masaya sila sa kasulukuyan.

SM food to go Banner Ad

Parang walang ganitong ganap noong si James Reid pa ang kasintahan ni Lustre. Tama ba ang obserbasyon ko?

Parang never nga bang captured ang lalaking minsang sinamba ni Nadine na kasama ang kanyang pamilya, para ipakilala ito sa kanila?

Kung mali ang obserbasyon ko, pointless pa rin to refute it and refresh my ala-ala kasi nga may tandang pandamdam na ang Lustre at James relasyon.

At hindi rin tayo makakatiyak kung makapagsasama pa sila sa isang “romantic movie” sa pinakamalapit na hinaharap dahil nga may legal battle si Lustre sa kanyang dating pamunuan.

Pag naging Ginang Bariou ito sa malapit na hinaharap, patotoo ito na talagang iba talaga ang ganda ng mga Pinay.