Philippines

Ramirez: Komite sa SEA Games pinanatili

Patuloy na pangangasiwaan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang paghahanda para sa gaganapin sa Luzon na 30th SEA Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ayon ito kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Team Pilipinas chef-de-mission William ‘Butch’Ramirez, at isa rin sa dalawang co-vice chairmen ng Phisgoc.

Sa meeting kasama si Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, pinabulaanan nina Ramirez at Phisgoc chairman Alan Peter at Ramirez ang mga alegasyon ukol sa korapsyon na nagbunga umano sa planong pagbuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Phisgoc.

Abante Hiring – IT dep

“There is no truth to the allegation of corruption,” wika ni Ramirez, dinagdag niya pa na sa ngayon ay lahat ng kabilang sa kanilang samahan ay nagkakaisa na sa ilalim ng isang liderato.

“Yesterday Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, and myself sat down with Sen. Bong Go and Executive Secretary Salvador Medialdea to sort out issues being reported by news outfits in the past days,” dagdag ni Ramirez.
Ang mga pagbabagong ito ay nangyari lang ilang araw tapos kumpirmahin ng Malacañang na nais ilipat ni Duterte ang responsibilidad ng pangangasiwa ng 2019 SEA Games sa gobyerno, tapos niyang akusahan ng korapsyon ang PHISGOC.

Nangunguna ang PHISGOC sa preparas­yon sa regional event, pero lumutang kamakailan ang mga report ng hinihinalang kurapsyon sa loob ng pribadong organisayon.

‘Di umano’y pumasok sa mga kahina-hinalang transaksyon ang PHISGOC, gaya ng overpriced training uniforms galing sa sports apparel company na Asics. (Lito Oredo)

Football news:

60 years ago, the USSR team was the first to win the Euro
The Premier League admitted that incorrect penalty decisions were made in all of Thursday's matches
Manchester United of the mid-90s, Flamengo of the 70s, England of the 80s: 101 best forms in the history of football (first part)
UEFA President: The memory of the Soviet victory at Euro 1960 will live long
Fabregas on the best coaches in their careers: Guardiola, Mourinho and Wenger. The way Jose played with my mind was unbelievable
Napoli will extend the contract with Gattuso until 2023
Henri knelt for more than 8 minutes in the first match in charge of Montreal, honoring the memory of George Floyd